Ipinagpalitan ng mga saksi…Willie hatid-sundo ng chopper sa casino

Left and right ang pagpaparamdam ni Willie Revillame sa media. Marami siyang side issues na sinasagot recently sa mga interviews sa kaniya, ang super-publicized na pagpunta niya sa Tacloban para tumulong (galing naman daw sa puso ito…okay!) sa mga nasalanta ng bagyo; ang pag-deny sa pagpapatalo ng daang-milyon sa casino; ang pag-iisip kung saang network babagsak when he comes back to television. Bongga, di ba?

“Mamatay na ang nagsisinungaling kung hindi siya nagpatalo ng limpak-limpak sa casino. Kungsabagay, hindi naman natin pera iyon. Kanya naman iyon kaya pakialam naman natin.

Yung sinasabi niyang hindi siya madalas pumunta sa Solaire para magsugal, mismong mga taong nakapaligid sa kaniya ang nagkukuwento kung paano siya ihatid ng chopper sa hotel at kung hindi man, isang luxury car niya ang gamit para idiretso siya sa VIP parking.

“Hayaan na lang natin, kaya lang, nakakatawa ang drama niya sa press, saying na kung napagtatalo raw siya sa casino, sana ay hindi na siya namigay ng tokens at regalo sa kanila. Hasus! Tumigil nga siya!” talak ng isang source namin.

Hay naku… tama na! Ti-gilan na ang isyung iyan. Hindi naman makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya natin iyan. Hala sige, merry Christmas na lang sa lahat. Mwah!

( Photo credit to Google )

Read more...