Anak ni Paulo kay LJ tanggap na ni KC


TATLONG lalaking celebrities ang nali-link ngayon kay KC Concepcion – sina Paulo Avelino, Luis Manzano at Phil Younghusband. Pero tanging si Paulo lamang ang diretsahang umamin na nanliligaw siya sa anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Sa presscon na ibinigay ng Viva Artists Agency kay KC nu’ng isang araw, paglilinaw ng TV host-actress, “Yung iba po kasi, totoo. Yung iba naman, well, hindi ko naman masasabing nali-link romantically, pero siguro kapag nakikita nilang nag-uusap kami, may kilig.”

Hirit pa ng leading lady ni Gov. ER Ejercito sa MMFF 2013 official entry na “Shoot To Kill: Boy Golden” tungkol sa kanyang mga “boys”, “Actually, isa lang naman talaga yung totally wala talagang katotohanan.” Na ang tinutukoy nga ay ang tsismis sa kanila ni Phil.

“Ayaw ko na lang din pag-usapan. Let’s move on,” chika ng aktres. Inamin naman niya na si Paulo ang isa sa pinaka-close na lalaki ngayon sa kanya, “Pero, wala pa akong masasabi about that, kasi ayaw ko po muna magsalita about anything. But isa po siya sa mga pinakamalapit sa akin right now.”

Sa tanong kung okay lang sa kanya na may anak uli ang maging boyfriend niya (may anak din sa pagkabinata ang ex niyang si Piolo Pascual), “Pagdating doon, kahit hindi si Paulo, sino ba naman ako para mag-judge na ganu’n? Well, actually, ganun din naman ang pinanggalingan ko—ako yung anak.

“I mean, and I told my mom that, na ‘Di ba, Ma, parang sino ba naman tayo para mag-judge, e, meron din namang tumanggap sa akin kahit hindi naman ako yung anak nila talaga, di ba?’

So, parang hindi ko nakita yung opinyon ng tao doon,” tugon ng dalaga. Ang tinutukoy ni KC ay ang pagpapakasal uli ni Sharon kay Kiko Pangilinan sa kabila ng pagkakaroon na nito ng anak.

Samantala, kinakarir daw ni KC ang pag-aalaga at pagde-decorate sa totoong Christmas tree na regalo sa kanya ni Paulo. Yes, buhay na buhay ang pine tree na ibinigay ng binatang ama kay KC kaya raw kailangang mag-effort ng aktres para hindi mamatay ang puno.

Anyway, tungkol naman sa kanila ni Luis, “Friends kami. Siguro hindi rin muna siya ready mag-ano. Parang ayaw ko rin kasi isipin, na just because nagpapa-close, ibig sabihin nanliligaw na kaagad. Hindi ba puwedeng friend?”

Isa pa sa naitanong kay KC ay ang tungkol sa pagpapakasal ng ex-BF niyang si direk Lino Cayetano. Ikakasal ito sa dating volleyball player ng Ateneo na si Fille Cainglet.

“I’m happy for him na, finally, nakahanap siya ng babae. Siguro nahanap na rin ang katapat niya. Nakahanap siya ng match para sa kanya. I’m happy for him,” chika ng dalaga.

Sey ni KC, Inaasahan na niya na magaganap ito, “I was waiting for the time na talagang makahanap siya ng pakakasalan niya. Lalo na ngayon, may posisyon na siya sa politics.

“So, kailangan niya rin ng partner na susuportahan siya, kasi siguro, stressful din naman sa politics,” dagdag pa niya.
Speaking of MMFF 2013, kabado si KC sa nalalapit na pagsisimula ng filmfest kung saan kasali nga ang “Boy Golden” nila ni Gov. ER, aniya, first time niyang sasali sa Parade of Stars na magaganap sa Dec. 22, pero siyempre mas lamang pa rin daw ang pagiging excited dahil bihira lang naman sa isang artista ang mabigyan ng chance na makasali sa filmfest.

Hirit pa ni KC, hindi raw sila mapapahiya sa mga manonood dahil talagang world-class ang pagkakagawa ng “Shoot To Kill: Boy Golden” na idinirek ng premyadong direktor na si Chito Roño mula sa Scenema Concept International at Viva Films.

Marami ang nagsasabi na mala-Angelina Jolie ang role ni KC sa nasabing MMFF entry, pero sey ng dalaga, “Basta panoorin nila ang pelikula namin, saka nila i-judge!”

Inuulan ng blessings ngayon si KC, bukod sa movie and TV projects, tuloy pa rin ang kanyang mga TV ads, tulad ng Palmolive, Parisian at Sun Cellular. Meaning, malakas pa rin siya sa advertisers.

( Photo credit to Google )

Read more...