Jolo: Hindi buntis si Jodi! Hindi pa kami kasal!


Mariing dinenay ni Jolo Revilla na dalawang buwang buntis na si Jodi Sta. Maria at siya raw ang itinuturong ama. Sa kanyang Twitter account idinaan ng vice-governor ng kanyang paglilinaw.

Kasabay nito, itinanggi  rin niya na nagpakasal na sila ni Jodi at nagsasama na sa iisang bubong. “This is my first and final statement regarding Jodi’s pregnancy issue. She is not pregnant and we are not yet married.

“What we have right now is something special, and we want to keep it private because I love her so much. Kung sakaling totoo man yan, kayo po unang unang makakaalam. God bless,” aniya.

Tiyak na hiyang-hiya na si Jolo sa kanyang girlfriend kaya nag-issue na rin siya finally ng opisyal na pahayag. Ang gusto kasi ni Jolo ay ikasal muna sila ni Jodi bago sila magka-baby.

Ito ay sa kabila nga ng katotohanan na pareho na silang may anak. Sa pagkakaalam namin, hindi pa pwedeng magpakasal sina Jolo at Jodi dahil may problema pa sa annulment nina Jodi ay Pampi Lacson.

Kamakailan ay nanganak naman si Iwa Moto courtesy of her boyfriend Pampi Lacson.

( Photo credit to Google )

Read more...