HOROSCOPE, December 20, 2013

Para sa may kaarawan ngayon:  Oo nga masaya ang Pasko, pero masakit lang sa bulsa. Hinay- hinay lang sa paggasta. Kapag hindi ka tumigil ng kapapamili, walang matitira para sa Bagong Taon. Tandaan na kailangan ding paglaanan ang bukas upang higit na lumigaya ang pamilya. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Veda-Om.” Magenta at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Paghandaan ang pagpasok ng 2014 dahil sobrang dami ng mga biyayang darating. Sa pag-ibig, sa taon ding 2014 ay iinit na muli ang pagmamahalan. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om-Agara.” Silver at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Simulan na ang paglilinis ng bahay at bakuran; ngayon palang ay paghandaan na ang 2014. Isupot at ibenta sa bakal bote ang mga abubot.  Sa aliwalas at malinis na kapaligiran, sa 2014 maraming magagandang kapalaran ang kusang darating. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Green at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa  2014 ay lagi kang maglagay ng old o antique na silver coin sa bulsa. Ang talismang iyan ang hahatak ng mas maraming salapi. Sa 2014, kung reregaluhan ka ng kasuyo ng silver na alahas, mas lalo kang susuwertehin. Mapalad ang 5, 8, 23, 29, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghoh-Phalah-Goh.” Blue at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  Tama na ang pag-aaksaya ng oras! Kumilos nang kumilos hanggang sa lumago nang lumago ang kita. Sa pag-ibig, huwag manghinayang sa kasuyong nawala, may darating na isang Virgo. Mapalad ang 5, 15, 24, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Huwag mawalan ng pag-asa! Sa sandaling nalusutan ang mga problema ay tuloy-tuloy na ang liligaya. Sa pinansyal, sa susunod na buwan, dadami uli ang pera. Sa pag-ibig, unawain ang kasuyong sumpungin. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Habang lumalapit ang kapaskuhan, higit sa inaasahan ang makakamit! Sa pinansyal, biglang madodoble ang laman ng bulsa. Sa pag-ibig, sopresa ang magaganap—kakaibang init at sarap ang ipadadama ng kasuyo. Mapalad ang 1, 10, 22, 34, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhama-Aum-Yoti.” Yellow at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa taon 2014 ay tama ang mungkahi ng kasuyo, posible nga kayong makapag-abroad na dalawa at kapag sinusuwerte sa ibang bansa maisasama pa ang buong pamilya. Mapalad ang 9, 14, 27, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yosoda-Om.” Magenta at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Kung maraming biyayang natatanggap, magpasalamat. Maya-maya lang ay may darating na namang suwerte! Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon ay patuloy sa pagsarap at pag-init ng relasyon. Mapalad ang 1, 10, 25, 29, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Huwag magmadali! May babala na sa sobrang pagmamadali, mara-racket ka na naman. Sa pag-ibig, anuman ang gawing pasya ay kumonsulta muna sa kasuyong Aries. Mapalad  ang 3, 6, 18, 27, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Mohan-Om-Karan” Blue at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Magtiwala sa iyong sarili! Sa pinansyal, tandaan na “Ang taong buo ang loob, ang yaman ay lubos!” Sa pag-ibig, paligayahin nang husto ang kasuyo, kapag di mo nagawa iyan, sige ka at baka palitan ka niya? Mapalad ang 2, 17, 28, 34, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Aum-Govinda.” Green at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Isa lang ang pinakatamang pormula ng pagyaman: pagtitipid, pagkukuripot at pagsisinop ng kabuhayan. Sa ganyang pormula tuloy-tuloy kang yayaman. Sa taong 2014 yayaman din silang may birth date na 5, 23 at 14. Mapalad ang 6, 19, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Pink at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  Ngayon pa lang ay i-practice na ang New Year resolution para sa 2014 upang mas madali ka ng magtatagumpay. Yayain din ang kasuyo na magkaroon kayo ng New Year resolution para sa lalo pang ikagaganda ng inyong relasyon. Mapalad ang 5, 14, 18, 23, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ako ngayon ay bagong buhay!” Blue at purple ang buenas.

Read more...