Alok: 2 kasal

Sulat mula kay Lanie, ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Dear Sir Greenfield,
Dalawang lalaki ang halos magkasabay na nag-alok sa akin ng kasal dahil dalawa ang boyfriend ko at kapwa ko sila mahal.  Hindi ko rin maintindihan kung bakit namamakangka ako sa dalawang ilog.  Ibig kong malaman ang nakikita ninyo sa aking kapalaran.  Ang una kong boyfriend ay isinilang noong Set. 20, 1987.  Ang ikalawang boyfriend ko ay isinilang noong Peb. 11, 1986.  abng birthday ko po ay Mayo 13, 1988.
Umaasa,
Lanie, ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawa nga ang namataang Marriage Line (Illustration 1. Arrow  1. at 2.) sa iyong palad, kaya mahihirapan ka talagang pumili kung sino ang dapat mong pakasalan sa kanilang dalawa, dahil ang nasabing guhit ng pag-aasawa ay halos mag sing-linaw at magsing-haba.  Ganu’n pa man, may posibilidad na kung ano ang unang naging boyfriend mo sa kanila, iyon na rin ang iyong mapapangasawa.
Cartomancy:
Queen of Spades, Queen of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa kasalukuyan, sadyang malilito ka talaga, pero paglipas ng dalawang buwan, makapagdedesiyon ka na. Kung saan, ang lalaking mas may edad o mas matanda na may mas matatag na trabaho at medyo maputi ang kulay ng balat ang siguradong pipiliin mo sa sandaling nagpasya ka ng mag-asawa.
Itutuloy…

Read more...