PH tracksters, golfers kumabig ng SEAG Gold

HINDI napigil ang athletics sa paghatid ng mga gintong medalya habang kuminang din ang mga panlaban sa golf, taekwondo at bilyar upang manatiling buhay ang laban ng Pilipinas  sa pang-anim na puwesto sa 27th Southeast Asian Games kahapon.

Nagtapos ang pagdodomina ni Rene Herrera sa 3000m steeplechase nang nalagay lamang sa pang-apat na puwesto pero ang humalili sa five-time SEAG champion ay ang kasamahang si Christopher Ulboc na kinuha ang event sa siyam na minuto at isang segundo tiyempo.

Hindi naman nagpahuli si Jesson Cid na naghari sa decathlon sa bagong Philippine record na 7038 puntos matapos ang sampung events.

Si Cid ang lalabas na kauna-unahang Pinoy na nagkampeon sa event na ito matapos magdomina si Fidel Gallenero noon pang 2001.

Ito na rin ang ikaapat at ikalimang gintong medalya ng Pilipinas sa athletics upang maabot na ang target ng mga Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) officials.

Ngunit hindi ito mangangahulugan na tapos na sila dahil ay  mga panlaban pa na puwede pang manalo ng kahit hanggang tatlong ginto pa.

Pinatunayan naman ni Princess Superal na karapat-dapat siyang masama sa pambansang delegasyon nang pamunuan ang dalawang gintong medalya ng women’s golf team.

Ang Asian Youth Games silver medalist na si Superal ay gumawa ng six-under par 210 matapos ang tatlong araw na kompetisyon at iwanan ng anim na strokes ang panlaban ng host Myanmar na si Yin May Myo sa individual class.

Nakipagtulungan naman si Superal kay Mia Legaspi para sa three-round total na 428 upang manalo rin sa team event. Si Katrina Pelen-Briones ang ikatlong kasapi ng koponan.

Ang araw ay nasimulan ng paghahari ng men’s poomsae team na binuo nina Djustin at Raphael Melle at Vidal Marvin Gabriel nang nakalikom ng nangungunang 7.920 puntos at manaig sa koponan ng Indonesia at Thailand.

Bagamat hindi pa opisyal na tapos ang laro, hawak na ng Pilipinas ang ginto sa men’s 10-ball dahil sina Dennis Orcullo at Carlo Biado ang siyang maglalaban sa finals.

Sa anim na gintong hawak, ang Pilipinas ay may 20 gintong medalya na bukod sa 23 pilak at 28 tanso.

Read more...