NAGHAYAG ng pag-alala ang Pangulong Noy sa kaligtasan ng mga nagsasakay ng mga pampublikong sasakyan matapos mahulog ang isang bus ng Don Mariano Transit Corp. sa Skyway sa Paranaque.
Nangyari ang aksidente noong Lunes na ikinamatay ng 18 katao.
Ang mga nasaktan sa nasabing aksidente ay 16 katao.
Ipina-inspection ng Pangulo ang lahat ng mga bus at pampublikong sasakyan upang malaman ang kanilang compliance with “minimum health and safety standards,” ayon sa Malakanyang.
Bakit “minimum health and safety standards” lang ang pinatsi-check ng Pangulo?
Di ba dapat ay maximum health and safety standards ang lahat ng mga bumabiyaheng mga sasakyan sa daan?
Ang hirap sa ating mga Pinoy, mahilig tayo sa salitang “puwede na” o “papasa na.”
Di dapat ganoon. Kailangang nasa pinakamataas na safety standards ang lahat ng sasakyan, pribado man o pampubliko.
Huwag isaalang-alang ng gobyerno ang buhay ng mga pasahero ng pampublikong sasakyan.
Huwag yung “puwede na” o “papasa na” sa pagsusulit kung ligtas ang isang sasakyan sa daan.
Kailangang bambuhin ng Pangulo ang mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang maging ligtas ang mga daan.
Dapat ay nasa maximum safety standards ang mga sasakyang pampubliko at pribado.
Ang mga lumang sasakyan ay dapat i-phase out o ibasura na sa pamamagitan ng hindi pagpayag ng LTO o LTFRB na mairehistro ang mga ito.
Maraming karag-karag na sasakyan na tumatakbo pa sa daan.
Dapat ay magsagawa ang LTO ng regular at random checkup ng mga sasakyan upang matunton kung ano ang dapat na ibasura na.
At saka, anong ginagawa ng Highway Patrol ng Philippine National Police?
Di nakikita ang patrol cars ng Highway Patrol. At kung nakikita man sila ay nakahimpil lang sa kanto at nag-aabang ng makokotongan.
Dapat ay ipairal ang strict enforcement ng traffic laws sa mga highway sa pamamagitan ng Highway Patrol.
Kapansin-pansin ang pagiging inutil ng Highway Patrol ng pagpapairal ng batas trapiko sa mga highways.
Ang hinuhuli ng Highway Patrol ay mga sasakyan na expired na ang plaka at yung suspected carnap vehicles.
Bakit? Dahil malaking ang kinikita nilang delihensiya sa mga ito.
Mabuti pa si Manny Pacquiao at nagsisimpatiya sa mga kababayan nating nasalanta ni “Yolanda.”
Inayawan ng boxing champion ang magarbong birthday celebration.
Simple lang ang ginawa niyang salu-salo sa kanyang birthday party.
Kakaiba ang birthday party niya ngayon kesa dati na may parada ng mga artista, malakihang kainan at bigayan ng pera.
Ang perang dapat na igastos sa kanyang party ay binigay niya sa mga biktima ng supertyphoon sa Leyte at Samar.
Kung gaano kasimple ang celebration ni Pacquiao ng kanyang birthday party ay ganoon naman kabongga ang Christmas party na ginanap kahapon sa Bacoor, Cavite.
Nag-Christmas party ang mga opisyal at empleyado ng munisipyo ng Bacoor at maging mga opisyal at kagawad ng mga barangay.
Ang bonggang Christmas party ay ginanap sa town coliseum. Napaka-insensitive naman ng mga tao ng Bacoor!
Di na nila naisip na milyon-milyon na kanilang kababayan sa Kabisayaan ay naghihirap dulot ng supertyphoon at malakas na lindol.