KUNG sisimulan ko sa tanong na ano ang nakikita n’yong mali sa pagpunta ni Pangulong Aquino at Interior Secretary Mar Roxas sa SM North EDSA matapos ang pagsalakay ng mga hinihinalang miyembro ng “Martilyo gang” – baka may slant na. O baka may spin na.
Sila na naman ang topic mo? Banat na naman, Arlyn?
Bakit ba naman hindi? Kung lehitimo naman ang tanong at pagpuna. Pero sige, simulan na lang natin sa kung ano ang tama sa pagsugod at pag-responde nila sa crime scene.
Krimen ang naganap, pagnanakaw, kaya tamang mga kagawad ng pulis ang naroon at rumesponde. Dangan nga lamang na dapat sana’y naroon sila nang mas maaga, baka sakaling, ang panloloob, hindi nangyari. Pero ibang anggulo yan, ibang kuwento.
Ang tanong ay kung bakit tamang magpunta ang pangulo at ang kalihim ng DILG. Tama sa punto de bistang kailangang ipakita nilang hindi sila nasiyahan sa nangyari, at kailangang bigyang diin nila sa mga kapulisan na kailangang may managot at may maaresto agad.
Kailangang ipakita sa sambayan na ang pangulo, ang inyong punong ehekutibo at ang kanyang pinagkakatiwalaang ayudante na may hawak din sa PNP ay gagawin ang lahat upang siguruhing hindi na mauulit pa ang ganung insidente – sa loob ng mall, habang marami ang naglilibang sa tinaguriang “family day”.
Your president is in charge, your cabinet secretary is here, their physical presence, clearly relays that message. O di ba ang bilis nila! O baka may masabi na naman kayo?
But wait! Their presence too tells us their appreciation of priorities and scope of their respective jobs and responsibilities in government. The public appearance of what some sectors in the media has dubbed as the dynamic duo comes on the heels of a major issue where they should be caring as much as they cared to be present at a mall shortly after a robbery incident.
Ayokong gamitin ang salitang mali dahil wala rin namang mali sa ginawa nilang pagpunta. It’s always a matter of prerogative, perspective and priorities. Doon tayo may nasisilip.
Kung ang layunin ay ipakitang naroon sila at kagyat na gugulong ang aksiyon lalo na ang hustisya, gets na yun, hindi na kailangang ipagdiinan pa. Hindi ba kaya ng kapulisan ang sitwasyon? Hindi ba ang dapat na naroon lamang na pinakamataas na opisyal ay ang hepe ng PNP-NCRPO? Sige, dahil sa ang insidente ay de javu, nangyari na, tila replay na ng isang insidente sa isa ring SM operated mall nitong Enero, puwedeng andun na din ang Hepe ng PNP. Hanggang doon lang.
Hindi ba’t doon pa lang ay natukoy na ang mga bagay na dapat iwasan, naitakda na ang mga bagay na dapat bantayan. Pero bakit naulit na naman ito?
Dun papasok ang mas mataas ng kamay ng pamahalaan. Doon na papasok ang polisiya, ang command responsibility. Command responsibility nino? ng mga kagawad din ng pulisya na minsan nang nalusutan ng “Martilyo Gang”.
Kung impact ang habol ng pagdating nila sa SM North EDSA, sana may nanagot na, sana may nadinig na tayong sibakan, kasi nga, di ba nangyari na ito at hindi na dapat nangyaring muli? The presence yet again reveals what could probably the only reason why they are there.
O baka naman gusto lang talagang ipakita na nandon sila sa scene sa isang iglap! Sunod-sunod nga naman ang batikos sa kanila, lalo na kay Sec. Mar, baka pwedeng makabawi rito at makalimutan ang mga katagang binitwan niya na: “Bahala kayo sa buhay n’yo” Eh, iyon ay kung makakalimutan nga? Palagay ko, hindi.