Wally babalik na sa Eat Bulaga, magso-sorry sa madlang pipol


Nalalapit na raw ang pagbabalik ni Wally Bayola. That’s the rumor circulating around. Ano ‘yon, after sabihin ni Vic Sotto sa isang programa na kailangang mag-sorry ni Wally sa publiko ay magbabalik na siya agad-agad?

Actually, ramdam na ramdam na siguro ni Wally ang hirap ng buhay na walang regular show kaya naman ganoon na lang ang sidhi ng mga taong nagmamahal sa kanya na makabalik siya.

Talented naman si Wally, his comic flair is spontaneous at talaga namang nakatatawa. Perfect comic pair sila ni Jose Manalo.
Actually, parang napilayan nga si Jose nang mawala si Wally. Wala na kasi siyang kabatuhang kasinghusay ni Wally.

We will not be surprised if one of these days ay biglang sumulpot si Wally sa Eat Bulaga para mag-sorry. Kasabihan nga ng marami, madaling makalimot ang mga Pinoy and we also believe na kaya nang patawarin ng publiko si Wally matapos ngang kumalat ang sex video nila ng isang member ng EB Babes..

At dapat ma-feel ng mga tao ang sincerity niya sa paghindi ng sorry dahil kung hindi, waley din ‘yun!

( Photo credit to Google )

Read more...