John Lloyd: Napakaswerte ko at pumayag siyang makasama ako!


INAMIN ni John Lloyd Cruz na mas emosyonal siya kapag nag-aaway sila ni Angelica Panganiban. Ibig sabihin, mas may tendency siyang tumalak o magsisigaw kapag meron silang hindi pagkakaunawaan ng kanyang girlfriend.

Ayon kay Lloydie, tulad ng ibang magkasintahan, nagkakaroon din sila ng pagtatalo ni Angelica, pero hindi pa naman daw ‘yun umabot sa matinding away na may pisikalan na.

“Like any normal couple nag-aaway din kami, but fight, fight like a heated argument? Yung may taasan ng boses? Ako lang naman madalas mataas ang boses kasi kapag nadala ako, emotionally may gusto ako ipaliwanag, anyway hindi naman importante…yung ganu’n lang.

Kaya naming mag-usap, kahit ano kaya namin pagusapan,” paliwanag ni John Lloyd sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa Buzz Ng Bayan noong Linggo.

Sa tanong kung napipikon ba siya sa walang tigil na pakikialam ng publiko sa kanyang personal life, ito ang naging sagot ng aktor, “Honestly, depende sa mood ko. Dahil masyado kong kilala ang sarili ko, tsaka alam ko yung totoo.”

“Di mo rin naman kasi mahihiwalay (personal at professional life). Kasi paglabas mo ng bahay, nakikita kami ng tao, sabi ko nga dati, pag lumabas ka ng bahay mo trabaho na yun.

Andiyan lagi yung iyong audience na iniisip mo na ayaw mo masaktan, ma-offend, makaramdam na di mo sila nirerespeto.
“Gusto ko malaman nila na iniintindi ko, na hindi wala akong pakialam.

Kagaya din nila gusto kong maniwala na may sarili din akong buhay. Yun siguro yung di nawala simula pa nu’ng nag-umpisa ako hanggan ngayon, ganu’n yung thinking ko,” esplika pa ni Lloydie.

Kasabay nito, talagang may ilang factor kapag lagi siyang tinatanong tungkol sa kanyang pribadong buhay, lalo na ang lovelife.
“There’s always been this discomfort when people ask me about my personal life, hindi lang naman din love life eh.

Could be anything. Yun lang naman talaga yung nase-sensationalize, yung lovelife,” aniya. Hirit pa ng Kapamilya leading man, “Pero, kaya siya may discomfort, dahil may effort from a lot of people na pasukin.

Kaya lang kasi wala naman kasi interesante sa lovelife ko, alam ko lang dalawang tao kami, kung sino man yung minamahal mo, dalawang tao kayo na interesado sa isa’t isa.

“Siguro ano, may mga pagkakataon din naman na gusto naming isigaw, gusto naming i-share sa lahat ng tao lalo na sa mga sumusuporta sa amin pero kasi kapalit nu’n kapag nag-share ka ng magandang bagay, asahan mo yung mapait kelangan mo din ibahagi,” dagdag pa ng aktor.

Sey pa ni Lloydie, ang pagiging open sa isa’t isa ang isa sa mga sikreto ng maayos nilang relasyon ni Angelica, “Openness, that’s one. And we really get along. Ang daming mga bagay na pareho naming gusto.

Magkaibigan kasi kami, kaya steady lang. Yung art na na-appreciate namin they tend to oppose, they tend to contradict each other. Yung pinangagalingan nila, magkaiba pero in the end it makes it more exciting kasi masaya lang kami.”

Tinanong din siya ni Boy Abunda kung saan na patungo ang kanilang pagmamahalan, “Sa mas magandang bukas? Ha-hahaha! Well, yeah, it’s a promising relationship.

Marami siyang pinanghahawakan. Palalim siya ng palalim, ganda niya. It’s a beautiful relationship.  “It’s a journey, totoo, napakaswerte ko na pumayag siya na ganito ako kalapit sa kanya and pumayag siya to take on this journey, na maging part ako ng buhay niya.

Maging kasama niya ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos, para sa kanya, kasama niya ko at pumapayag, at pinipili niya na nandu’n ako. I must be a very lucky man.”

( Photo credit to Google )

Read more...