True ba, Joy Cancio matindi ang depresyon, lulong sa sugal?


Wala pa ring kalinawan kung ano ba talaga ang tunay na dahilan kung bakit isinugod sa ospital ang talent manager ng Sexbomb Dancers na si Joy Cancio.

May mga chika na diumano’y nagtangkang magpakamatay ang dati ring dancer. Ngunit ayaw itong paniwalaan ng kanyang mga kaibigan, lalo na ang mga dati niyang alaga.

Matatandaan na kumalat ang balita na dinala sa ospital si Joy Cancio noong Sabado ng hapon dahil sa overdose daw ng antihistamine.

Hanggang kahapon ay wala pang inilalabas na official statement ang talent manager tungkol sa nasabing insidente. Pero gaano naman katotoo na bago raw isinugod sa ospital si Joy Cancio ay may dinadala na raw itong matinding problema na may kinalaman diumano sa pagsusugal.

Totoo bang lulong daw sa casino ang manager? Sa mga nababasa naming ulat kahapon sa ilang entertainment website, mukhang itinanggi na ito ng mga taong malalapit sa dating dancer.

( Photo credit to Google )

Read more...