Solenn Heussaff: Wala kaming relasyon ni Cesar, may bf na’ko!


Press lang daw ang nagsasabing sweet sina Solenn Heussaff and Cesar Montano. Isa sa sure na hindi makakasama kung may extension ang Akin Pa Rin Ang Bukas sa TeleBabad ng GMA weeknights after Genesis ay si Solenn who plays the wife of Cesar.

Naka set na kasi sila ng kaniyang non-showbiz Argentinean boyfriend na mag fly ng Argentina where they will spend the holidays there.

Nanghihinayang man, looking forward na sina Solenn and boyfriend for their trip and one highlight will be a visit to the most famous fall of the country, ang Iguazu Falls.

Anyways, tumitindi na ang eksena between Solenn and Cesar at ang ka-triangle nilang si Lovi Poe. Kung nagkasabunutan sina Lovi and Charee Pineda a.k.a. Lovelia and Agatha respectively, expect a different kind of tarayan between the characters of Lovi and Solenn daw.

Not sure pa kung paano ang magiging tarayan ng dalawa pero sure daw sabi ng production na iibahin ito sa tarayan-sabunutang ginawa nina Lovi and Charee. Solenn kasi is the legal wife of Cesar nga at si Lovi ang ka-triangle nila.

Speaking of Cesar, natatawa si Solenn sa mga naisusulat sa kanilang dalawa na kesyo sweet na sila, nagdi-date sila, at puro halikan daw.

Mga press lang daw ang nagsusulat nito but in real life, pure gentleman si Cesar sa kaniya dahil alam naman daw nito na may boyfriend siya.

Mabuti na lang din daw hindi seloso ang boyfriend niya, hindi nagbabasa ng tabloids dahil hindi rin naman daw nito maiintindihan ang Tagalog and most specially, hindi nanonood ng Akin Pa Rin Ang Bukas para wala nang selosan.

Read more...