Kundisyon ni Robin sa bawat proyektong ginagawa niya: Ayokong mamatay!

Ito naman ang update regarding Robin Padilla and Adarna.This is a follow up sa sinulat naming pag-cameo ni Robin sa TeleBabad soap ng kaniyang anak na si Kylie Padilla na Adarna weeknights after 24 Oras.

Tuloy pa rin si Binoe sa soap contrary to rumors but it’s true na hindi na ang tunay na ama ng character ni Kylie ang gagampanan ni Robin dahil na-tape na ito at naipalabas na last week.

Hindi ito tinanggap ni Robin dahil mamamatay ang character and we found out through his manager na hindi pala type ni Robin na namamatay ang character niya in any project.

Ang request ng bida ng MMFF 2013 movie “10,000 Hours”, gawan siya ng panibagong character sa Adarna na hindi mamamatay so the creative of the show are now brainstorming.

Also for the record, Robin insists in his Instagram na hindi pa rin siya tuluyang Kapuso ha, he remains with his current network, gusto niya lang talagang suportahan si Kylie sa Adarna kaya kahit siya mismo gumagawa na ng paraan para makapag-cameo siya sa soap kahit maikli lang, basta huwag mamamatay.

Meanwhile sa start ng week five ng Adarna tonight, makikita ni Ada na parang gigilitan ni Heron ng leeg si Falco. Nais niyang sagipin si Falco ngunit maaalala niya ang mga habilin nito.

Patuloy naman si Lupe sa paghahanap kay Ada at halatang pagod na siya. Makakarating siya sa isang karinderya at maghahanap na trabaho.

 

Read more...