Rufa Mae hiyang-hiya sa mga opisyal ng MTRCB: yung Boobs ko kasi ang naging sentro ng usapan!

Speaking of Rufa Mae, inilahad niya sa amin ang karanasan niya sa harap ng board members ng MTRCB nu’ng  ipatawag siya kasama ang creative team and  production staff ng comedy show nila na Bubble Gang last Monday.

Kasamang humarap ni Rufa Mae sa MTRCB ang komedyanteng si Michael V.,  executive producer at direktor ng kanilang programa sa GMA.

Ipinatawag sila sa opisina ng MTRCB dahil sa eksena na ginawa ni Rufa Mae, kasama si  Bitoy sa regular segment ng show na “Susie Luwalhati” kung saan tinataktak niya ang puto-bumbong habang gumagalaw-galaw ang kanyang dibdib.

“Si Michael V as part of the creative  team ng show and at the same time siya ‘yung ka-eksena ko na pinag-aplayan ko, kasi siya ‘yung may-ari ng puto-bumbong. Tapos ako, uhm, nag-apply.

Tapos nu’ng ginawa ko ‘yung pagtaktak ng ganoon, medyo green naman talaga  ‘yung joke, e,”  sey ni Rufa Mae.  Sabi raw ng MTRCB, okey naman daw sa kanila ‘yung ginawa nila sa segment.

Pero ang inaalala nila ay ang mga batang nanonood nito sa gabi. But more than the scene, mas affected daw si Rufa na all throughout the meeting, e, ang sentro ng usapan ay sa kanyang boobs.

“Awkward, e. Parang I cannot stand there hearing everyone saying all those words to me. Syempre, parang buong maghapon, of course, sabi ko, thank you. I appreciate it.

Ako, I’m just doing my job and besides sabi ko, alam ko na merong joke na medyo tungkol sa, actually, hindi ko naisip ‘yun na parang medyo nagma-masturbate ‘yun or kung ano.

“Kasi ang nasa isip ko ‘yung boobs ko, kasi Susie nga, e. Hindi talaga ako, ‘yung feelings ko, ‘yung acting ko, talagang tinataktak ko lang. Pero ang joke kasi ‘yung Susie, ‘yun lang.

Pwedeng dahil sa boobs ‘di ba? Pero may boobs has been there on national TV forever,” biro pero seryosong paliwanag ni Rufa.
In 20 years daw niya sa showbiz, alam na  niya kung paano magbalanse ng comedy na hindi malaswa.

“E, for me naman, syempre, whatever it takes na mapatawa ang tao, ‘yun lang naman ang concern ko bilang artitsta. At saka kung, okey lang naman.

Hindi naman ako nakikipag-sex dito. ‘Di ba wala namang nakita. So, I didn’t see any, but of course, I’m thankful kasi i-explain nila lahat,” sey pa ni Rufa Mae.

( Photo credit to Google )

Read more...