Ano ang pakiramdam mo ngayong nasa PBA ka na?
Masaya, siyempre PBA na eh. Lahat naman ng player, gusto makatungtong ng PBA, di ba? Malungkot lang na wala na ako sa Smart Gilas. Matagal-tagal din kaming nagsama ng mga Smart Gilas players. Tapos, di pa namin nakuha ang medal sa FIBA Asia. Kaya, medyo malungkot ako.
Malaki ba ang naitulong ng paglalaro mo sa Smart Gilas bilang isang basketball player?
Oo, malaki. Dahil nasanay akong makipaglaro sa mas malalaki sa akin.
Ano ang natutunan mo sa Smart Gilas na puwede mong dalhin sa PBA?
Siguro ‘yung disiplina at sacrifice.
Ano naman ang inaasahan mo sa Meralco Bolts?
Siyempre inaasahan kong mas magagamit ako sa Meralco Bolts kaysa sa Smart Gilas.
Ano naman ang masasabi mo kay Ryan Gregorio bilang coach mo ngayon?
Mabait si Coach Ryan. Parang tatay din namin siya sa labas ng court.
Ano ang maaari mong maitutulong sa Meralco Bolts para maging maganda ang kampanya nito sa Philippine Cup?
Siguro ang talent ko sa depensa, lalo na sa rebounding at shot blocking.
Sa tingin mo, hanggang saan aabot ang Meralco Bolts sa kasalukuyang conference?
Panoorin at abangan na lang natin hehehe.
Ano ang nais mong iparating sa iyong fans at fans ng Meralco Bolts?
Suportahan po natin ang Meralco Bolts at panoorin natin ang lahat ng games sa PBA. Maraming salamat po.