Gusto mo ba ng trabaho, bakit hindi ka mag-pulis?

NAGHAHANAP ngayon ang Philippine National Police ng 50,000 indibidwal na nais maging pulis na siyang tutulong sa may 140,000 kapulisan ngayon.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Director general Nicanor Bartolome nang isa-isahin nitong bisitahin ang mga television  at radio station sa Metro Manila at kalapit probinsiya.

Inamin ni Bartolome sa isang panayam sa radyo na kulang nga ng mga tauhan ang kapulisan kahit pa may bagong papasok na 6,000 ngayong Nobyembre.

“This means that of the 6,000 new officers, only 3,000 are effectively added to the force because the others just fill the slots that are left vacant,” ayon kay Bartolome.

Sa kasalukuyan, ang police-to-population ratio ay isang pulis kada 743 indibidwal.  Ang ideal na ratio, ayon sa opisyal ay isang pulis kada 500 katao.

Bukod dito, nagtatrabaho ang mga pulis sa 12-hour shift kahit dapat ay 8-oras lamang sila kada araw.

“We don’t even ask for overtime pay anymore, even though we’re under civil service rules,” hirit pa ni Bartolome.

Sakabila nito, ay nakuha pa rin anya ng PNP na mapababa ang crime rate sa bansa nitong huling walong buwan, kumpara sa katulad na period noong isang taon.

Ayon kay  PNP Deputy Director General Arturo Cacdac, ang crime volume ay bumaba ng 22 posyento mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Mula anya sa 224,269 kaso noong 2010, pumalo na lamang ito sa  172,847 ngayong taon.

Ang crime rate ay bumaba naman ng 22 porsyento mula sa dating 29 porsyento habang ang crime solution ay nag-improve mula sa dating 18 porsyento noong 2010 ay nasa 28 porsyento ito ngayong taon.

“But the problem is now we see high-profile incidents that are happening back-to-back. This leads to the perception that there’s a rise in criminality. The media also play up these incidents,” dagdag naman ni Bartolome. – Inquirer

Read more...