Christian Bautista inggit na inggit kay Justin Bieber

Nakakatawa rin itong si Christian Bautista nu’ng sabihin niyang inggit na inggit siya kay Justin Bieber dahil nauna pa itong nakapunta sa Tacloban para tulungan ang mga biktima ng bagyong Yolanda.

Tuwang-tuwa si Christian sa gesture ni Justin dahil napakalaking inspirasyon daw ito para sa kanila. Lalo pa nang malaman niyang nag-donate ito ng malaking halaga at nag-free concert pa ito sa mga nasalanta.

Busy? Ganoon ba ka-busy si Christian sa kaniyang career para hindi man lamang naisip na dumalaw earlier? Kung hindi pa pumunta si Justin Bieber ay hindi pa niya naisip na pumunta rin.

Nangako siyang pupunta and will do a Justin Bieber, ang makamayan sila at mahatiran ng tulong. Meron naman daw siyang nagawang tulong, ang pag-compose nila ng kanyang mga kapatid ng kanta na in-upload nila sa isang social media at ang kikitain daw ng song na iyon sa social media ay idu-donate nila sa mga biktima.

Eh kung walang mag-download? Kung lima lang? Kung 10 lang? Nakakatawa, di ba? Ayaw ba niyang bumunot sa sarili niyang bulsa para i-donate? Ha-hahaha! Nakakatawa ka talaga, Christian.

Di ba napakalaking kahihiyan sa mga katulad nilang mga local celebrities natin dahil naunahan pa sila ni Justin Bieber na magmalasakit? Ngayon ay gagaya-gaya na lang sila. Hasus!

Ang lalamya-lamyang mga lalaking ito, oo. Bakit di niya yayain doon si Xian Lim para mapakinabangan naman sila ng bansang ito. Ha-hahaha!

( Photo credit to Gogle )

Read more...