Sam kailangang mag-ingat, madaling maloko

Speaking of papa Sam Milby, grabe namin itong nabiktima ng katuwaan dahil sa simpleng pangungumusta nito sa amin during the said MMFF event.

Tawa kami nang tawa sa pagsakay nito sa aming kunwaring pagtataray at pagmamaang-maangan na hindi namin kunwari alam ang mga taong kinukumusta niya sa amin.

Naloka talaga kami na natandaan niya ang dati kong “alam mo na” papa Jobert at “kapatid na Ervin” dahil hinanap niya ito at bakit wala raw nag-pa-flash. Ha-hahaha! May emote pa siyang “happy Mother’s day” sa akin dahil alam daw niya kung gaano ako kamartir sa pag-ibig. Ha-hahaha!

Binawian ko siya by simply playing dedma at kunwaring nagtataka kung sino ang mga binabanggit niya sa amin. Ha-hahaha!
Talagang describe siya at emote ng mga encounter meetings niya sa mga dialogue ko dati tulad ng “alam mo na”, hanggang sa sabihin kong, “Sige na nga, half a year na kaming wala at nag-move on na ako. Ha-hahaha!”

Aliw na aliw lang ako sa talas ng memory nitong si papa Sam na noon namang bago pa ito sa showbiz ay super “kalimot” at ni hindi maalala ang mga names namin.

“Amazing” lang ang tanging nasabi namin kaya talagang na-feel kong hindi siya ang “Makiyemeng Sequel” ng bagong image niya sa amin. Ha-hahaha!

( Photo credit to Google )

 

Read more...