P126M lotto jackpot nasolo sa Batangas

SA Batangas tumaya ang nanalo ng P126.350 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Lipa City.

Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 12-08-37-17-20-09. Umabot sa P49.59 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola.

Nanalo naman ng tig-P24,790 ang 100 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas. Tig-P430 naman ang napanalunan ng 4,569 mananaya na naka-apat na numero.

Balik naman sa P16 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon. Binobola ito tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Read more...