Pabrika ng bomba nakubkob

MAHIGIT 100 landmine ang nasamsam nang salakayin ng mga tropa ng pamahalaan ang isang kuta ng New People’s Army (NPA) sa Loreto, Agusan del Sur, iniulat ng militar kahapon.

Isinagawa ang raid sa Sitio Mampait, Brgy. Kauswagan, Miyerkules ng hapon, matapos matunugan ng militar na gumagawa at nagtatago ng landmine ang mga rebelde doon, sabi ni Capt. Alberto Caber, tagapagsalita ng Armed Forces Eastern Mindanao Command.

Umabot sa 163 landmine ang nakuha sa lugar, na ngayo’y itinuturing na pinakamalaking “landmine factory” na nakubkob, ani Caber.

“The recovered landmines can injure or kill thousands of civilians and can even destroy a city when detonated at the same time,” aniya.

Umabot na sa 453 landmine ang pinasabog ng NPA sa Eastern Mindanao simula 2010, at dahil dito’y 128 katao ang nasawi, 325 ang nasugatan, at maraming ari-arian ang napinsala, ayon kay Caber.

“The use of landmines is a violation of the provisions of the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law,” aniya pa.

Read more...