Malas sa pag-ibig (2)

Sulat mula kay R.E., ng Bacuag, Surigao del Norte
Problema:
1.      Single ang tawag sa akin ngayon, na noong panahon ng aking lola ay disgrasyada.  Pero, nag-aral pa rin ako at ang aking pag-aaral ay bahagi ng aking pagbangon mula sa aking katorpehan sa lalaki.  Nang dahil sa aking mga magugulang ay nakatapos ako.
2. Sa susunod na taon, balak kong kumuha ng licensure exam. Nais kong malaman kung susuwertehin ba ako at makapapasa sa mahirap na pagsusulit.  Sa pag-ibig, gusto ko ring malaman kung may magandang love life pa kaya akong mararanasan sa kabila ng pagiging dalagang ina. October 19, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
R.E., ng Bacuag, Surigao del Norte
Solusyon/Analysis
Astrology:
Ang zodiac sign mo ay nagsasabing (Illustration 2.), madali kang susuwertehin sa career pero sa pag-ibig, tulad ng nangyari at mangyayari pa may manaka-nakang kamalasang sasapitin, maliban na lang kung sa ika-apat na pag-ibig, isang Aquarius ang sasagutin at magiging boyfriend mo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagtatakda ng isang magara o kakaibang kapalaran. Kung saan, tulad ng nasabi na, “suwerte sa career malas sa pag-ibig” ngunit sa ika-4 na pakikipag-boyfriend, magiging maligaya ka rin at magkakaroon ng matagumpay na pamilya.
Luscher Color Test:
Upang magtutuloy-tuloy ang suwerte sa career at sa pag-ibig lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na violet, yellow at red. Ang nasabing mga kulay ang magdadala sa iyo sa isang maganda at positibong kapalaran.

R.E., ayon sa iyong kapalaran hindi ka dapat mag-alala sa career, dahil sa sandaling kumuha ka ng board exam sa susunod na taon, siguradong makakapasa ka at magiging ganap na propesyonal, ngunit sa pag-ibig, dalawang kabiguan pa ang iyong pagdadaaanan, sa ika-apat na pakikipag-relasyon, mabubuo ang masaya at maunlad na pamilya; at tuluy-tuloy na ang suwerte.

Read more...