Wally Bayola pababalikin ni Bossing sa Eat Bulaga, sa isang kundisyon…


PARA kay Vic Sotto kailangang magbigay ng public apology ang isa sa mga dabarkads nila sa Eat Bulaga na si Wally Bayola bago ito payagang makabalik sa noontime show ng GMA 7.

Sey ni Bossing, wala naman  siyang nakikitang masama kung bumalik man si Wally, at wala rin naman daw itong ginawang kasalanan sa kanilang programa.

Pero sey ng TV host-comedian, ang video scandal na kinasangkutan ni Wally kasama si EB Babes  Yosh  ay talagang nakaapekto sa kanyang career.

Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa Eat Bulaga si Wally, wala na rin siya sa ibang regular show niya sa GMA, kaya marami ang nagsasabi na baka  pwede nang pabalikin ang komedyante sa EB, iba pa rin kasi kapag napapanood nilang magkasama sina Wally at Jose Manalo.

Sa Kris TV nu’ng Huwebes ng umaga kung saan special guest nga sina Bossing at Jose, tinanong ni Kris kung pwede bang i-request ni Bossing na pabalakin na sa Eat Bulaga si Wally, ang sagot ng TV host, “Yeah, I can.”

“For me kasi, personally okay lang naman but he has to apologize. I think people will understand. Alam mo naman mapagpatawad ang Filipino,” ayon  kay Bossing.

Naikuwento naman ni Jose sa morning show ni Kris sa ABS-CBN ang muli nilang pagsasama ni Wally sa isang show sa Olongapo.

Ayon kay Jose, hindi pwedeng dedmahin ng kanyang partner ang nasabing show dahil baka mademanda sila, “Contract niya kay Ma’am Malou (Choa-Fagar, manager ni Wally). Kailangan um-attend siya  sa concert,” sey ni Jose.

Naniniwala si Jose na napatawad na si Wally ng mga tao dahil sa napakainit na pagtanggap sa kanila sa nasabing show, “Binigyan kami roon ng award tapos bigla si Wally nagsalita na, ‘Maraming salamat sa muli n’yong pagtanggap sa akin.’

“Nu’ng sinabi ‘yon, sinapo ko na siya, ako na yung nagsalita nang nagsalita sa kanya, humingi ng sorry sa tao na hindi naman kasalanan, tao lang. Maganda yung show, nagtayuan ang mga tao, nagpalakpakan.

“Sinisigaw ng mga tao na love nila kaming dalawa, love nila si Wally, ganoon yung nangyari. Tapos after nu’n ay hindi na muna siya mag-show, magpapahinga muna,” pahayag pa ni Jose.

( Photo credit to Google )

Read more...