Kris buking na ang kadramahan para makaiwas sa mga Pinoy abroad, ayaw kasing magpaistorbo

Tawa kami nang tawa sa kuwentong narinig namin mula sa isang grupo ng mga balikbayan. Nakita raw kasi nila si Kris Aquino nu’ng minsang magbakasyon sa Amerika ang aktres-TV host kasama ang mga anak niyang sina Josh at Baby James.

Nagsi-shopping daw si Kris, nakasunod sa kanya ang mga yaya ng kanyang dalawang anak at dalawang assistants, maraming Pinoy na nakakakilala siyempre sa kanya.

Kuwento ng source, “Pero mautak talaga si Kris para hindi siya maabala ng mga Pinoy, palagi siyang nakikipag-usap sa phone, parang kinakausap niya ang lahat ng tao sa buong mundo sa dalas ng pakikipagkuwentuhan niya sa phone.

“Pero kapag puro Puti ang nasasalubong niya, e, wala naman siyang kausap, natitiyempo namang kapag maraming Pinoy, e, saka siya nakikipagchikahan.

Nu’ng may malakas ang loob na lumapit sa kanya para magparetrato, e, bahagya na siyang pinansin ni Kris, dahil tuloy pa rin ang pakikipag-usap niya sa phone!

“Ang tanong ko lang, pati na ng mga kababayan nating nagkaroon ng ganu’ng experience sa kanya, totoo naman kayang meron siyang kinakausap sa phone o paraan lang niya ‘yun para hindi siya malapitan ng mga Pinoy na nakakakilala sa kanya?” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Wala kaming naisagot, halakhak lang kami nang halakhak tungkol sa kuwento ng ating kababayan, nag-iisa lang talaga si Kris Aquino! Siya na talaga! Ha! Ha! Ha! Ha!

( Photo credit to Google )

Read more...