Angel: Sana lang sa akin muna niya sinabi bago sa mga Press!


HINDI man diretsong inamin ni Angel Locsin, halatang napikon ang Kapamilya actress sa mga pinagsasabi ng ex-boyfriend niyang si Phil Younghusband kamakailan.

Kung matatandaan sa isang ulat, sinabi diumano ng football player na mahal na mahal pa rin niya si Angel, ang aktres pa rin daw ang iniisip niya kapag siya’y nag-iisa at nalulungkot.

Nang makapanayam ng ilang miyembro ng media si Angel sa ginanap na Anak TV Seal Awards nu’ng Huwebes inamin nitong na-shock siya nang marinig ang mga naging pahayag ng dating dyowa.

“Oo nga, nabalitaan ko nga! Hindi ko pa talaga nababasa. Nagulat lang ako kasi sinasabi sa media agad…nag-uusap naman kasi kami, e. Sana nasabi niya muna sa akin nang diretso at hindi sa media.

“Pero wala namang issue sa akin yun, baka naman talagang open lang siya. So, nagulat lang talaga ako. Hindi naman kami nag-uusap sa bagay na yun.

“Kung mag-usap, mag-usap. Kung hindi, di hindi…ganu’n!” Sa tanong kung may posibilidad pa bang makabalikan sila ni Phil, ang tugon ng aktres. “Hindi ko alam, e!

Mas kayo pa ang kumakausap sa akin tungkol dito sa bagay na ito, kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko. “Pero right now, we’re okay.

Nagko-communicate kami sa pamamagitan ng text. Pero siyempre, nasa breakup kami, e, di ba? Mahirap naman yun.”
“Kasi mahirap, kaka-break up lang namin, tapos iisipin mo na naman kung magkakabalikan.

Ayoko  lang guluhin yung utak ko,” sey pa ni Angel.

( Photo credit to Google )

Read more...