Ticket sa OPM Con Generations 2026 soldout na 

Ticket sa OPM Con Generations 2026 soldout na 

Reggee Bonoan - June 22, 2026 - 12:01 AM
Ticket sa OPM Con Generations 2026 soldout na 

SA dami ng mga tagasuportang nag-agawan para makakuha ng mga inaabangang tiket para sa ikatlong edisyon ng OPM Con, inaasahang punumpuno ang Araneta Coliseum sa Hulyo 11.

Tampok sa inaabangang musical event na ito ang SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at Xonara.

“Isang malaking tagumpay ng Puregold ang maubos ang mga tiket ng aming ikatlong OPM Con sa loob lamang ng dalawang araw,” ani ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold.

“Hindi lamang mga performer ang ating mga artista, sila ang nagbibigay ng himig sa mga pang-araw-araw na sandali, mahahalagang yugto, at mga alaalang pinahahalagahan natin. 

“Pinagsasama ng OPM Con 2026 ang mga karanasang ito sa iisang lugar, isang pagdiriwang ng mga artista at kanilang mga tagahanga,” aniya pa.

Sa OPM Con Generations 2026 ang kauna-unahang pagkakataon na naubos ang lahat ng tiket sa loob lamang ng dalawang araw. 

Upang makuha ang kanilang mga tiket, nagpalipas ng magdamag at maagang pumila ang mga sa mga kalahok na tindahan o branch ng grocery store, habang namimili ng mga groseri na katumbas ng halaga ng kanilang napiling seksyon ng upuan o ticket tier.

Dagdag na biyaya ang OPM Con 2026 para sa mga tapat na mamimili, dahil natanggap nila ang tiket nang walang karagdagang bayad, bukod sa kanilang mga pinamiling pang-araw-araw na pangangailangan.

Ngayong ubos na ang lahat ng upuan, lalo pang tumitindi ang pananabik ng mga tagahangang nakakuha ng kanilang puwesto sa Araneta Coliseum, kung saan nakatakdang ihatid ang isang gabing tiyak na mananatili sa alaala ng lahat sa Hulyo 11.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending