Jasmine Curtis sa mga bastos, misogynist: Basic decency ba!
NAGLABAS ng saloobin ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith hinggil sa isyu ng misogyny at online harassment.
Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” kasama si Klea Pineda, inihayag niya ang kanyang pagkadismaya sa patuloy na pag-iral ng mga sexist na komento at mapanirang mensahe laban sa mga kababaihan.
Hindi napigilan ni Jasmine na kuwestiyunin kung bakit laganap pa rin ang mga misogynistic na pag-uugali sa kabila ng lumalawak na mga usapan tungkol sa paggalang at gender equality.
“Nag-aaral naman tayong lahat, ‘di ba? Pinalaki naman sana tayong mabuti ng mga magulang natin. And I hope, common sense na lang din kasi. Basic decency ba, Tito Boy,” saad ng aktres.
Baka Bet Mo: 2 veteran broadcast journalist nadamay sa galit ni Jasmine Curtis
View this post on Instagram
Amin pa ni Jasmine, nahihirapan siyang maintindihan kung bakit may mga tao ring sinasadyang mag-post ng mga hurtful comments online.
Sey pa ni Jasmine, “Minsan napapaisip ako, ‘Wow! Nag-effort ka talagang i-type ‘yun at press send na gusto mong iparating ‘yung masama mong iniisip sa amin.’
“Hindi ko ma-gets eh. Kumausap ka na lang kaya ng psychologist or someone that can explain it better to you. Kung hindi mo pa siya ma-gets sa 2026, parang beh, lawakan pa natin ‘yung utak natin.”
Matatandaang kamakailan lang nang batikusin niya si Rep. Bong Suntay matapos ang mga naging komento nito tungkol sa kanyang kapatid na si Anne Curtis sa isang pagdinig ng komite sa Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
