Barangay volunteers bibigyan ng P1,500 allowance | Bandera

Barangay volunteers bibigyan ng P1,500 allowance

- October 13, 2011 - 03:27 PM

BARANGAY volunteer ka ba sa inyong lugar?  Kung oo, may good news para sa iyo.

Inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagbibigay ng benepisyo sa mga barangay volunteer workers upang mas maging epektibo sa pagpapanatili ng kapayapaan.

Sa ilalim ng inaprubahang House bill 5228 bibigyan ang mga barangay volunteers ng hindi bababa sa P1,500 buwanang allowance na kukunin sa internal revenue allotment na tinatanggap ng mga local government units mula sa national government.

Ang “Barangay Volunteer Workers’ Benefit Act” ay akda ni Misamis Occidental Rep. Loreto Leo Ocampos.

Magtatakda naman ng mga kuwalipikasyon para sa mga volunteer upang mapili ang mga karapat-dapat na makakuha ng benepisyo.

Magkakaroon din ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng volunteer at ng civilian volunteer organization kung saan siya aanib. – Leifbilly Begas 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending