Matataray na Popsters ni Sarah nilait-lait si Pops Fernandez

SARAH GERONIMO AT POPS FERNANDEZ

Nagpiyesta ang Sarah Geronimo fans sa pagkumpara sa kanilang idol kay Pops Fernandez.

May lumabas kasing article na si Sarah ang karapat-dapat na pasahan ni Pops ng kanyang Concert Queen title dahil sold-out ang mga concert nito, the latest of which was her Araneta and MOA gigs.

Kaya lang, tila naging over naman ang Sarah fans to the point na nilait na nila si Pops.

“Mas magaling naman magconcert si idol Sarah Geronimo kumpara kay Pops Fernandez im sorry but true ibng klase si idol pag kumanta hbng sumsayaw nararamdaman ko hanggan loob ng puso ko ang galing nya sa concert.”

“Di man ipasa ni pops ung korona kay sarah…sa ayaw at sa hindi si sarah g. Na ang concert queen sa kasalukuyang panahon.”

“My gawd! ang layo na ng narating ni sarah kumpara kay pops! naging concert queen si pops dahil wla la maxadong sikat noon sa generation nya!”

Actually, para sa amin, si Pops pa rin ang Concert Queen.

Read more...