NAKAKATAWA naman itong fans ni Marianita.
Bakit? Aba, big deal na pala sa kanila ‘yung nag-comment si Kris Aquino sa photo ng kanilang idol. Parang it’s an achievement of sort para sa dyowa ni Dingdong Dantes na magkaroon ng papuri mula sa Queen of All Media.
“Gorgeous @therealmarian! Bravo!” That was Kris’ reaction in the Instagram photo posted by Marian kung saan naka-bikini siya.
Talaga namang maganda ang kuha ni Marian, there’s no doubt about it pero hindi ba naisip ng fans ng Flopstar Queen na kailangang sabihin iyon ni Kris dahil sa utang na loob dahil isa si Marian sa mga nag-campaign nang libre kay P-Noy? Si Kris pa, na showbiz na showbiz ang ugali. Hellooooo!
That was just Kris’ pambobola at kumagat naman ang Marianitas! Ang isa pang napansin namin sa supporters ni Marian, hindi sila marunong tumanggap ng katotohanan. Eh, talaga namang flop ang dalawang movie ng kanilang idolo, me magagawa ba sila doon?
Isa pa, kahit sa anong LABANAN ay walang binatbat ang idol nila kay Angel Locsin na palagi nilang bina-bash. Kung award ang pag-uusapan ay milya-milya ang layo ni Angel kay Marian. Kung commercial naman, naku, ‘di hamak na lamang naman si Angel kaysa kay Marianita.
At hindi ba nano-notice ng fans ni Marian na gaya-gaya lang ang idol nila kay Angel? Alam ng lahat kung gaano ka-charitable si Angel since way back pa. Ngayon, pilit siyang ginagaya ni Marian who all too suddenly became charitable na rin. Bigla siyang nagkaroon ng kung anu-anong advocacy.
Sorry na lang at nauna si Angel sa pagiging matulungin. In all aspect, talagang SECOND FIDDLE itong si Marian kay Angel like how Vilma Something is to Nora Aunor. Hey, Marianitas, go na sa inyong pamba-bash! We’re not afraid of any of you!