Bossing Vic desidido nang pakasalan si Pauleen Luna

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

SENIOR CITIZEN na si Vic Sotto sa susunod na taon (April 28, 1954 ang birthday niya) pero sabi nga ng mga kakilala at kaibigan ni Bossing, wala sa itsura niya ang pagiging 60 years old.

Kahapon ng umaga sa morning show ni Kris Aquino na Kris TV, tinanong si Vic kung sa edad niyang 60 ay nakikita pa rin niya ang sarili na may pinakakasalang babae sa simbahan, ang sagot ng TV host-comedian – “Siyempre naman.”

“Nakakasawa rin naman matulog mag-isa, mahirap din. But of course, it’s in God’s time, hindi naman ako ‘yung tipong ayaw ko nang mag-asawa,” sabi ni Bossing.

Pero inamin ni Vic na dumating na rin siya sa punto noon na talagang ayaw na niyang mag-asawa uli, parang mas gusto na lang daw niyang maging single forever.

“There’s a phase in my life na ‘yung mindset ko ganoon na, I’ll be single for the rest of my life. Inisip ko rin, malalaki na ‘yung mga anak ko at may kanya-kanyang pamilya na ‘yan in the future, so sino ang maiiwan sa akin?” sey pa ng TV host-comedian kay Kris.

Tinanong naman ni Tetay si Bossing kung anong level na ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Pauleen Luna, ayon kay Vic, totoong napag-uusapan na nila ang kasal.

“In a relationship, you talk about that. It’s not a good relationship if you don’t talk about those things, right? If you don’t want to talk about it, parang naglolokohan lang kayo, eh kahit naman noong bata pa ako eh hindi naman ako nakikipaglokohan talaga,” tugon pa ng aktor.

Kasabay nito, sinabi ni Bossing na habang tumatagal ay lalong nagiging matibay ang pundasyon ng relasyon nila ni Poleng, pero ayaw na niyang magdetalye pa tungkol dito. At in fairness, mukhang in love na in love talaga ang dalawa sa isa’t isa.

Samantala, very positive sina Vic at ang buong pwersa ng entry nila sa MMFF 2013 na “My Little Bossings” na magiging maganda ang resulta ng movie nila sa takilya. Sabi nga ni Bossing, wala siyang nararamdamang takot na baka hindi ito suportahan ng mga manonood.

Ayon kay Vic, naniniwala siya na maraming gustong mapanood sina Ryzza Mae Dizon at Bimby sa big screen dahil for the first time nga ay magtatambal ang dalawa sa isang proyekto.

“Nu’ng kino-conceptualize pa lang natin ang proyektong ito, kumpiyansa agad ako, walang kaba kahit na hindi nga fantasy, pero sabi ko nga for me its more than a fantasy movie kasi napagsama natin sina Ryzza at Bimby, at napakaganda ng naging resulta,” chika ni Vic.

Inamin din niya na ni sa panaginip daw ay hindi niya naisip na makakasama niya sa movie ang bunsong anak ni Kris.
“I’m excited that this is a different thing for me but I’m more excited for the kids eh. Si Ryzza naman kahit saan mo itapon ‘yon, okay naman ‘yon. She’s very excited to meet Bimby,” dagdag pa.

Hirit pa ni Vic, “Ako na-excite kasi totoo naman he (Bimby) will be just playing himself kaya di ako nahirapan. When Bibeth (Orteza) sent the script, sabi ko this won’t be a problem for my son because the character is written as him. Feeling ko kailangan ko siyang imulat sa kung ano ang mundo and I think itong movie na ito, Ryzza will be the perfect guide to see (the real world).”
Ang “My Little Bossings” ay idinirek ni Marlon Rivera at showing na sa Dec. 25.

Read more...