Heat taob sa Pacers


INDIANAPOLIS — Umiskor si Roy Hibbert ng 24 puntos habang si Paul George ay kinamada ang 15 sa kanyang 17 puntos sa kanilang second-half rally para pamunuan ang Pacers sa panalo kontra Miami Heat, 90-84, kahapon sa tagisan ng dalawang pangunahing koponan sa NBA Eastern Conference.

Umangat ang Indiana sa league-best record na 19-3 at pinalawig nila sa tatlong laro ang kanilang  kalamangan matapos talunin ang Miami sa kanilang homecourt sa ikaapat na sunod na pagkakataon.

Si LeBron James ang namuno sa Heat sa itinalang 17 puntos, 14 rebounds at anim na assists.

Suns 114, Lakers 108
Sa Los Angeles, gumawa si Goran Dragic ng 31 puntos para tulungan ang Phoenix Suns na panatilihing walang panalo ang Los Angeles Lakers matapos bumalik si Kobe Bryant sa lineup.

Si Bryant ang nanguna para sa Lakers sa kinamadang 20 puntos. Si Marcus Morris ay nag-ambag ng 22 puntos habang si Eric Bledsoe ay nagdagdag ng 18 puntos at siyam na assists para sa Suns.

Read more...