Sarah, Matteo nakatakas kay Mommy Divine, nag-date sa Cebu


KALAT na kalat na ang chika na “nag-date” sa Cebu ang rumored couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nitong nakaraang weekend.

Nagsimula ang nasabing balita sa mga social media, maraming netizens ang nag-post ng kanilang mga mensahe sa kanilang Twitter account na nakita nilang magkasama sa Cebu ang Pop Princess at si Matteo.

Ayon sa ilang Popsters, sumunod daw si Matteo sa Cebu para magkita sila ni Sarah. Nandoon ang singer-actress para sa kanyang “Perfect 10” anniversary concert na ginanap sa Waterfront Hotel.

Talagang naghintay ang fans ni Sarah na magiging special guest si Matteo sa concert ng kanilang idol, pero sila’y nabigo. Ayon sa nabasa naming mga tweet mula sa Popsters, akala nila ay aapir si Matteo sa huling bahagi ng show ni Sarah dahil nga bago ito, kumalat ang chika na nasa Cebu rin ang aktor.

May nagsabi pa nga na mismong airport personnel ang nagkumpirma na dumating sa Cebu si Matteo pero hindi sila sure kung ang pagdating ng aktor ay para nga sa concert ni Sarah.

Pero marami ang naniniwala na nagkita ang dalawa sa isang private place sa Cebu. Hindi rin daw sabay umuwi ng Manila ang Popstar at ang Kapamilya hunk dahil nauna raw ang flight ni Sarah ng isang oras sa flight ng kanyang rumored boyfriend.

Sa isang website, nabasa namin ang ilang mensahe ng fans nina Matteo at Sarah, ayon nga sa isang fan, tanggap nila ang relasyon ng dalawa at umaasa sila na sana raw ay hindi na kumontra si Mommy Divine.

Anito, “We respect their decision na itago muna ang kanilang relationship, but we strongly believe na sila na nga. We hope and pray na aprrove na si Mommy kay Matteo.

He’s a good man at naniniwala kami that he will be a very responsible boyfriend.” Ayon naman sa isang Popster na nag-comment sa Instagram ni Matteo, “I admire & respect the privacy that you & sarah have.

But I hope one day you could tell the whole world how much you love each other. I wish you both happiness. We would like to know your lovestory.”

Hanggang ngayon ay wala pang diretsong pagdedenay o pag-amin ang dalawang Kapamilya stars tungkol sa tunay na estado ng kanilang love affair. Ang lagi lang nilang sinasabi ay masaya sila kung anuman ang meron sila ngayon.

Naniniwala rin kami na matagal nang magdyowa sina Matteo at Sarah, marahil ay gusto lang nilang protektahan ang bawat isa kaya wala pa silang inaamin.

And we also believe na botong-boto si Mommy Divine kay Matteo dahil kung hindi, matagal nang nagtatalak ‘yan laban sa aktor.

( Photo credit to Google )

Read more...