Louise kinawawa ng ABS-CBN fans, gaya-gaya sa Dyesebel


Bidang-bida uli si Louise Delos Reyes sa Kambal Sirena na magsisimula next year. Kaya lang, since merong Dyesebel ang Dos ay kaagad na nag-isip ang mga tao sa social media na ginagaya  ng Siyete ang ABS-CBN. That’s how cruel they are.

Ang pinakamataray pa nilang litanya, DA WHO raw si Louise. “At sino nmn tong starlet n to? Nakailan teleserye eh hannggang ngayun eh sa kamuning lang kilala.

Di man lang makatikim ng magazine cover or sariling movie,” napakataray na comment ng isang sa Dos yata palagi nanonood.
“Ok lang ba kayong mga gma? walang sikat sa inyo no!wala na kayong ginawa kundi gayahin ang mga teleserye ng abs tapos uunahan nyo kuno ng pagpapalabas kaya ayan kinakarma kayo. puro semplang mga palabas nyo,” another mataray guy said.

Another irate fan echoed the same sentiment and said, “Gaya gaya. sumakay sa hype ng dyesebel. ayun ura-urada gumawa rin ng sarling sirenaserye…well wether starlet o big stars ang kunin nila flop parin..haha! pang kamuning lng talga.”

In fairness to Louise ay nakakaarte naman siya. Actually, we liked her in her last soap with Alden Richards, magaling siya roon.

( Photo credit to Google )

Read more...