IT’S been a while nu’ng huli naming makatsikahan ang pinaka-favorite namin among the Eigenmanns boys na si Gabby Eigenmann sa simple but meaningful and worthy Christmas party ng nagma-manage sa kanya, ang PPL Entertainment headed by Perry Lansigan.
For sure, marami ang a-agree sa amin when we say na si Gabby talaga ang may pinakamagandang PR sa kanilang magkakapatid at magpipinsan.
Happy for him dahil meron daw siyang bagong teleserye sa GMA. Pero ayaw muna niyang sabihin kasi there was a time nu’ng ginagawa niya ang Mundo Mo’y Akin na tinimbrihan siya na gagawin niya ang Prinsesa ng Buhay Ko dahil sa sobrang excitement pero hindi pala siya napasali sa final casting.
“So, parang ngayon kung meron man akong naririnig quiet na lang hanggang nag-storycon na, start na nang taping, sure na. Kasi anytime, anything can happen, pwedeng mag-change,” bungad niya sa amin.
Isa si Gabby sa stars ng GMA na very loyal sa network. Magse-17 years na pala siya as a Kapuso, huh! Very honest naman kasi si Gabby nu’ng pumasok siya sa showbiz na ‘di siya nag-ilusyon maging superstar or sumikat ng gaya sa daddy niya na si Mark Gil.
“Kasi the passion for my craft is really, ‘yung kung anuman ang ibigay na talento sa akin, singing, acting, hosting,gusto ko nandoon lang.
So, feeling ko kaya ako tumagal sa GMA, aside from being loyal, nakita naman nila na hindi naman siguro ako ‘yung demanding na gusto ko maging sikat or what.
“Like, nabigyan nga ako ng chance, aside from being a character actor, parang reliable actor who would always be there to support whoever is gonna be the lead. But then again, make your own character,” pahayag niya.
Kaya nga kahit role ng isang ama ang character na pinu-portray niya sa teleserye ng GMA ay pumayag siya dahil natsa-challenge siya, “Yeah, I said that to myself to, even with Lauren Young and Louise (delos Reyes). Sabi ko, ‘Girls, pwede pa naman tayong mag-loveteam, ‘di ba?
O, magpapaalam ba ako kay Enzo (Pineda), magpapaalam ba ako kay Elmo (Magalona),’ sabi kong ganoon. ‘Baka pwede maging leading man ninyo in the near future? Kasi, my God! Ginawa ninyo akong tatay!’ Tawa lang sila nang tawa.
Pero sabi ko nga, wala namang problema. “When they offered me Mundo Mo’y Akin, at first I was surprised kasi parang wait. Kasi na-typecast ako bilang kontrabida, e.
Kapag ginawa ninyo ako’ng tatay ni ganito baka sa next project ko pwede na ako’ng maging daddy ni ganito. Sabi ko, ‘Baka ma-typecast ako, ha.’
“Sabi nila, hindi naman daw. So, okey. Sabi ko, ‘So, sino ‘yung nanay?’ Sabi nila, Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon. ‘Ay, okey lang, okey lang.’ Feeling ko kasi mas bata ako sa kanila.
Ha-hahaha! So, sabi ko, sige okey lang. Sabi ko naman it’s just a role. I just did what I could na nagmukha talaga akong tatay for them,” esplika ni Gabby.
Anyway, bukod kay Gabby, nasa PPL talent management din sina Digndong Dantes, Geoff Eigenmann, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap at marami pang iba.
( Photo credit to Google )