HELLO po. This is Margie from Quezon City. May I ask po kung anong pwede kong inumin for chicken pox? Thank you. — …9333
Marahil ngayon ay tapos na ang “bulutong tubig” mo. Ang chickenpox ay isang viral infection na “self-limiting” o two weeks lang ay tapos na.
Madali ang pagkalat ng virus na ito. Maaaring nakuha mo ito sa pagbahing, pag-ubo o pagsi-share ng pagkain at inumin sa taong meron nito.
Maaaring naipasa mo rin ito agad dahil kadalasan ay hindi mo alam na infected ka na nito dahil ang sintomas ay nagma-manifest dalawa o tatlong araw matapos kang mahawaan.
Ang paggagamot nito ay lunas lang gaya ng karamdaman tulad ng lagnat, kati at kirot sa mga apektadong balat. Uminom ng maraming tubig habang may lagnat, walang bawal na pagkain, huwag kamutin ang mga “lesions” para hindi magpeklat.
Good morning po Dr. Heal. Ask ko lang po kung gaano katotoo na ang guava leaves ay nakakapagpababa ng blood sugar? — Cao Valencia, Bataan, …4572
Nakabase ang impormasyon na ito sa pagsusuri sa Japan, kung saan ang mga may Type 2 ay binigyan ng guava leaf extract o tea two hours after meal.
Bumaba ang blood sugar pati na rin insulin resistance na siyang dahilan ng Type 2 Diabetes.
Maaring makatulong ito ngunit gusto kong ipaalam sa lahat na ang asukal sa dugo ay nanggaling lamang sa asukal na ipinapasok sa bibig.
Ang karapat-dapat pa rin na nutrisyon, na may kontrol sa “glycemic load” ang sikreto sa paggamot ng diabetes.
Hello Dr. Heal. Isa po akong payat na babae, hindi po ako tumataba tawag po ng iba sa akin ay butiki. Ano po ba ang gamot para tumaba ako. 15-years-old pa lamang po ako. Maraming salamat po. — Rica Borja, Capiz, …9071
Hello Rica! Kailangan makagawa tayo ng pag-susuri muna kung ano ang sanhi ng hindi mo pagtaba. Mayroong mga klase ng katawan ngunit limitado lamang ang classification sa normal health.
Magpakuha ka muna ng blood tests: CBC, T3, T4, TSH, albumin, urinalysis, fecalysis at chest x-ray.
Kumusta ba ang gana mo sa pagkain, mapili ka ba? Sapat ba ang iyong tulog at nakakapagpahinga ka ba nang maayos?
Good morning, Doctor Heal. Naakoy sakit nga athritis dependent ko sa tambal nga Cataflam 50mg ug Colchicine, wala ba ni cyay side effect Doc? –Vic Encabo, 48, Iligan City, …1279
Mayroon side-effects ang lahat ng gamot lalo na kapag mataas ang dosage at matagal na iniinom. Ang gamot mo ngayon ay pang-bawas lang ng kirot. Kailangan magamot mismo ang dahilan nito. Kung gouty arthritis iyan, dapat maayos ang nutrisyon mo dahil kung patuloy kang kakain ng bawal gaya ng karne at laman loob nito, matataba na pagkain, legumes and nuts, malt galing sa beer etc. ay patuloy na mamamaga ang joints mo. Magbawas ng timbang kung ikaw ay mabigat.