Justin Bieber nasa PH na para sa ‘Yolanda’ victims

DUMATING sa bansa kaninang umaga ang Canadian pop superstar na si Justin Bieber para sa sariling charity mission para sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda.

Lumapag ang sinasakyang private plane ni Justin sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 dakong 7:10 a.m.   Madali rin itong lumipad patungong Tacloban, Leyte at nirentahan diumano ang private jet ni Willie Revillame.

Ang pagpunta ng international singer sa bansa ay bahagi pa rin ng kanyang “#GiveBackPhilippines” campaign, ang malilikom na halaga mula rito ay ibibigay sa Unicef, Action Hunder at Philam Foundation na siyang mamamahagi sa mga nabiktima ni Yolanda.

Noong Dec. 4 sinimulan ni Justin ang nasabing campaign at sa pamamagitan ng prizeo.com, isang micro-donation site, nabatid na umabot na sa mahigit kalahating milyong dolyar ang nalikom ni Justin. Isang milyong dolyar ang target ng singer. At bilang kapalit, isa sa mga nag-donate ang pipiliin ni Justin para makasama sa isang “studio hangout” next year.

Read more...