Melai, Jason ikinasal na sa GenSan; Pacman, Boy, Kris, Jinkee tumayong ninong at ninang


MAG-ASAWA na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Naganap ang kasalan ng dalawang Kapamilya stars noong Lunes ng hapon sa Holy Cross Parish sa General Santos City.

Bukod sa mga magulang at mga kapatid ng bagong kasal, nandoon din ang mga kaibigan nina Melai at Jason, kabilang na ang kanilang mga kasamahan sa showbiz.

Dumating si Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa kasal na isa sa mga principal sponsors along with his wife Jinkee. Kasama rin ni Pacman ang kanyang inang si Mommy Dionisia sa nasabing kasalan

.Ang iba pang nagsilbing ninong at ninang nina Melai at Jason ay sina Kris Aquino, Boy Abunda, ABS-CBN’s Dreamscape Entertainment executive Deo Endrinal, Star Magic’s Mariole Alberto, at sina Ben Chan, Vicki Belo at Joel Cruz.

Ang kaibigan nina Melai at Jason na sina Paul Jake Castillo at Ryan Bang ang tumayong mga best man, habang ang mga presidente ng fans club ng dalawa na sina Audrey Meghan Gendrala at Grace Sapinoso ang naging maid of honor.

Ang kilalang designer ng mga celebrities na Nat Manilag ang gumawa ng wedding gown at suit ng bagong kasal. Ginanap naman ang reception sa Pandan Grand Ballroom ng Green Leaf Hotel sa San Miguel, General Santos City.

Ilang buwan nang buntis si Melai pero hanggang ngayon ay wala pa silang idea kung babae o lalaki ang magiging anak nila ni Jason.

Read more...