Marian nakukunsensiya pa rin sa ginawang kasalanan kay Karylle


NAG-REACT ang kampo ni Karylle sa reaksyon ni Marian Rivera nang banggitin sa kanya na ikakasal na ang singer-TV host sa boyfriend nitong si Yael Yuzon sa 2014.

Si Karylle ay dating girlfriend ni Dingdong Dantes na boyfriend na ngayon ni Marian. Base sa kuwento ng mga katotong dumalo sa event ni Marian ay nagsabi raw ito ng, “Yehey, ikakasal na siya, masaya naman ako para sa kanya.”

Nagtatakang reaksyon ng kampo ng isa sa host ng It’s Showtime, “Bakit ganu’n reaksyon ni Marian? Ano ‘yun?  Nang-iinis or what?”

Sinagot naman namin siya ng, “Dedma na, baka naman talagang masaya siya for Karylle at ikakasal na.” Pero ang katwiran naman ng aming kausap, “Hindi, parang may something pa rin na nagsabi pa siya ng ‘Yehey!’ Well, baka kasi hindi pa rin niya makalimutan ang ginawa niyang panunulot kaya ganu’n.

May guilt feeling pa rin siya at ngayong ikakasal na si Karylle, siguro mawawala na ‘yung feelings na ‘yun.” Hmmmmm, may katwiran din ang aming kausap, bossing Ervin, di ba?

Pero sa ganang amin ay mas magandang huwag na ring sumagot si Karylle sa sinabing ito ni Marian dahil tiyak na lalaki lang ang isyu.

At sa pagkakaalam namin, hindi pa rin sila magkaibigan at wala pa ring komunikasyon sina Dingdong at Karylle.

( Photo credit to Google )

Read more...