Vilma echosera raw, magaling makipaglaro sa press


MAHUSAY talagang mang-ek-ek ang Star For All Seasons ninyong si Gov. Vilma Santos-Recto ng Batangas. Magaling siyang magpaikot ng press – nakakaya niyang paniwalain ang lahat na wala pa siyang plano sa 2016 elections dahil nasa last term na nga siya ng pagka-gobernador ng Batangas.

Kahit nu’ng mayor pa lang siya ng Lipa ay ganu’n din ang statement niya – na wala siyang plano pero nu’ng panahon na para mag-file ng candidacy ay mabilis pa siya sa alas kuwatrong pumunta sa Comelec para mag-file for a gobernatorial post. Ha-hahaha!

And in fairness, she won talaga at nakatatlong terms nga siya. So, ang ibang members of the press are thinking na baka totoo nga ang chikang tatakbo siya for Vice-President (huwag naman sana sa pagkapangulo dahil this country will surely go to the gutters!!!) or the Senate tulad ng asawa niyang seasoned politician na si Sen. Ralph Recto.

Siyempre, automatic agad ang sagot ng Lola Vilma ninyo – na wala pa sa isipan niya iyan at ang unang plano raw niya ay makapagdirek ng pelikula na matagal na niyang pangarap.

Galing mang-etching, di ba? Siyempre, para light ang dating. Showbiz na showbiz muna pero abangan ninyo, pag malapit na ang eleksiyon, mangunguna na naman iyan sa Comelec at sasabihing ayaw sana niya pero ang TAUMBAYAN ang gustong magluklok sa kaniya sa posisyon kaya wala siyang magawa.

That’s very Vilma, di ba naman?  “She’s very rich now, ultra and filthy rich talaga. Grabe raw ang nakukuha niyang percentage sa bawat project na pumapasok sa Batangas. At si Sen. Ralph daw ang nag-a-advice sa kanya.

Kasi nga, sanay na sanay na siya sa game ng politics. Leaving Vilma Santos a clean image pero some of my friends attest that Vilma is one of the richest politicians today.

“Grabe ang pera niyan, magaling mag-pretend na okay lang siya pero the truth of the matter ay sobrang yaman na niya. Kaya sitting-pretty lang ang Lola Vilma ninyo and anytime she wishes to retire from politics, she can afford to live like a queen,” sabi ng kakilala naming negosyante from Batangas.

Nagulat kami sa mga sinabi niya. Alam naming mayaman na si Vilma pero hindi naman ganoon kalala tulad ng paglalarawan ng kausap natin. Totoo ba ang balitang ito, Ms. Vilma Santos? May explanation ka ba about this to clear your name?

Kungsabagay, hindi na naman dapat pagtakhan ang pagyaman ng isang tao lalo pa’t nasa politics, except for a few na alam nating public service talaga ang nasa puso, but most of them, found a gold mine in politics.

Kawawang bansa, kawawang mga Pinoy. Hay naku, hay naku!

( Phpto credit to Google )

Read more...