Makakahabol pa yata si Gabby Concepcion sa Carmela. Officially, the GMA Primetime Queen’s new primetime soap is titled Carmela.
Originally planned as Katarina – Ang Pinakamagandang Babae sa Balat Ng Lupa, inayawan ito ni Marian dahil for one, she doesn’t like the name and two, baka kahit hindi siya ang nag-isip ng titulo ay matira na naman siya at sabihang feelingera.
Incidentally, si Marian din ang nag-suggest ng title/character name change to Carmela and na-approve naman ito ng GMA so she’s happy with the official title.
Ikalawa, official na rin ang dalawang leading men ni Marian, younger guy Alden Richards and mature Raymond Bagatsing. The character of Raymond was originally offered to Gabby.
Hindi pumuwede si Gabby dahil kailangan nitong bumalik sa US for green card renewal. Kaso, ito rin pala ang ginawa ni Raymond after accepting the soap, bumalik din sa States para mag-renew ng green card kaya nagkaroon ng short delay ang start ng taping.
Still, it will be Alden and Raymond pa rin ang partners ni Marian at kasado na ito. Kaso, nagkita mismo sina Marian and Gabby in an event last week at nagkausap sila.
Nanghihinayang si Gabby sa pagkawala niya sa Carmela so Marian is talking with the creative kung puwede pang makapasok si Gabby at malamang na magawan daw ito ng paraan.
Ang tanong na lang, will Gabby gets his original role and bigyan ng bagong role si Raymond or will Raymond retains his role at si Gabby ang bibigyan ng bagong role.
Whatever happens, mataas pa rin ang status ni Gabby, tiyak na leading man character pa rin ang give sa kaniya.
( Photo credit to Google )