Bong Go 'second papa' ni Kitty Duterte: Thank you for your loyalty!

Bong Go ‘second papa’ ni Kitty Duterte: Thank you for your loyalty!

Ervin Santiago - April 12, 2026 - 12:50 AM
Bong Go 'second papa' ni Kitty Duterte: Thank you for your loyalty!
Kitty Duterte at Bong Go

TODO ang pasasalamat ni Veronica “Kitty” Duterte sa kanyang ninong na si Sen. Bong Go nang dalawin siya sa ospital nu’ng mismong birthday niya.

Personal na nagtungo ang senador sa ospital kung saan naka-confine si Kitty para sa pagdiriwang ng ika-22 taong kaarawan nito last Friday, April 10.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng senador ang ilang litrato nila ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kuha sa ospital kalakip ang mensahe para sa mabilis na paggaling ni Kitty.

Makikita sa mga ipinost ni Sen. Bong Go ang litrato ng kanyang inaanak habang nakahiga sa kanyang hospital bed at nakasuwero.

“Maligayang kaarawan, Kitty! Magpagaling ka kaagad. Nawa’y pagkalooban ka ng mahabang buhay, mabuting kalusugan, at kaligayahan,” ang pagbati ni Go kay Kitty.

Pagpapatuloy ng senador, “Isa kang matatag na babae, may pusong katulad ng sa papa mo.”

Pinasalamatan din niya ang boyfriend ni Kitty na si Vic Singson at iba pang kaibigan ng anak ng dating presidente na nagpakita ng pagmamahal at suporta kay Kitty.

“Salamat din BM Vic Singson sa pag-alaga, at sa lahat ng mga kaibigan na bumisita,” pahayag pa ni Go.

“Happy birthday and get well soon, my inaanak Kitty!” ang mensahe pa ng senador sa anak ng dating pangulo na nakakulong pa rin hanggang ngayon sa detention facility ng International Criminal Court (ICC).

Kasunod nito, pinasalamatan ni Kitty ang kanyang Ninong Bong sa pamamagitan ng isang video message, kung saan inilarawan pa niya ang senador bilang “second papa”.

“Hello everyone, kasama po natin si Senator Ninong Bong Go ngayon, isa sa mga pinaka-loyal na tao sa Papa ko.

“Mahal na mahal niya kaming lahat, at mahal na mahal niya si Tatay Digong. Nandito siya ngayon sa birthday ko, na may sakit ako at na-admit ako sa ospital, binisita niya ako at pinadalhan ng fruit basket at magagandang regalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, thank you Ninong Bong, maraming salamat for everything that you do, thank you for being like a second papa to me, and thank you for your loyalty,” ang mensahe ni Kitty.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending