Mas mayayaman daw ang fans ni Regine Velasquez kaysa kay Ogie Alcasid.
Isa sa busiest celebrities helping the Yolanda victims si Ogie. He has composed/sung at least six songs na kung saan all proceeds will go to charity. Iba pa rito ang concert he is organizing with his fellow OPM members na pang Yolanda rin.
And right after New Year pagbalik ng pamilya niya from Australia, he is also staging a show with other OPM stars right there in Tacloban para tuloy-tuloy ang pagtulong nila and even coordinating with Dingdong Dantes na magkaroon ng isa pang project ang OPM with Dingdong’s Yes Pinoy Foundation.
Kaya nga kahit sad siya at na-shelve temporarily ang The Gift series niya sa TV5, mas marami siyang time ngayon para makatulong. Currently, puno na rin naman ang kaniyang schedule dahil he has two TV5 shows, ang Saturday gag show Tropa Mo Ko Unli at 8 p.m. with the rest of the Kapatid stars and the Sunday concert The Mega and The Songwriter with Sharon Cuneta at 9 p.m. naman. Tapos sunod-sunod nga ang advanced taping nila as we visited his Tropa Mo Ko Unli set sa STI Cainta and this is for their Christmas week episode na.
Dito rin namin nalaman na makaka-two million ang auction na ginawa ng kaniyang asawang si Songbird. Sobrang yaman daw ng fans ni Regine – one Hermes bag, umabot ang bid sa over P400,000. May mga nabili naman daw na mga gamit ni Ogie pero not that much like his Prada shoes na over P10,000 pero tuwing binabasa ni Ogie ang bidding war sa mga gamit ng misis niya, siya mismo ang nalulula na may mga bibili raw at handang gumasta this much just to get a piece of Asia’s Songbird at makatulong na rin sa Yolanda.