Magkakabalikan (2)

Sulat mula kay Sharon ng Barangay Cagniog, Surigao City   
Problema:
1.     Mabigat ang problema ko ngayon.  Mahaba-habang taon na ang relasyon namin ng boyfriend ko nang bigla kaming nag-break. Nanghihinayang ako sa mahabang panahon ng kaligayahan.  Bigla na lang siyang nagalit at ang dahilan ay maliit na bagay lamang.  Nagtataka rin ako kung bakit hindi kami nagkasundo sa maliit na bagay na iyon.
2. Ngayon panay ang text ko sa kanya at tawag pero di naman niya ako sinasagot. Ako na nga ang nagpapakumbaba at humihingi sa kanya ng sorry, pero hindi siya sumasagot. Dedma lang siya sa mga ginagawa kong effort na magkabalikan kami. Ano po ba ang dapat kong gawin para pansinin niya ako?  Magkakabalikan pa kaya kami at muling magiging maligaya tulad ng dati? Siya na kasi ang lalaking gusto kong mapangasawa at makasama habambuhay. September 27, 1993 ang birthday ko at May 19, 1990 ang birthday niya.
Umaasa,
Sharon ng Barangay Cagniog, Surigao City  
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo  (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible naman kayo ng boyfriend mo, dahil isa ang elementong taglay ninyo – ang elementong earth o lupa. Ibig sabihin sa malapit na hinahanap, malaki ang tsansa na muli kayong magkakabalikan.
Numerology:
Habang ang birth date mo ay tugmang-tugma rin sa birth date niya. Ibig sabihin, sa pag-aanalisang Astrology at Numerology, walang problema – tugma talaga kayo kaya sa malapit na hinaharap, tulad ng nasabi na, magte-text back din sa iyo ang boyfriend mo upang pagusapan nyo ng personal ang muli nyong pagbabalikan.
Luscher Color Test:
Upang hindi na muling magkahiwalay pa at magkaroon ng di pagkakaunawaan, lagi kayong gumamit ng kulay na berde, puti at pula. Ang nasabing kulay, ang magseselyo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Sharon, ayon sa iyong kapalaran kung ikaw ay isang babaing cute, medyo maliit na maputi habang ang boyfriend mo naman ay isang lalaking matangkad, na medyo payat o slim ang pangangatawan, tiyak ang magaganap, sa taon ding ito, muli kayong magkakabalikan, upang pagkatapos, sa susunod na taon ay may magaganap na simpleng kasalan, na hahantong sa maligaya at panghabam buhay ng pagmamahalan.

Read more...