NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Richard Yap sa bumubuo ng Philippine Movie Press Club na nagbigay sa kanya ng kauna-unahan niyang acting award sa nakaraang Star Awards for TV nu’ng makausap namin siya sa launch ng bagong campaign ng ineendorso niyang Krem-Top, ang “Change For The Better Pilipinas.”
Nasa bakasyon kasi out of the country si Richard with his family and on that night palapag pa lang sa airport ang sinasakyan nilang eroplano. Kaya gustuhin man niyang umabot sa awards night, e, kapos na talaga sa panahon.
“Uhm, well, unexpected naman ‘yun kaya, well, hindi ko ma-describe ‘yun feeling na nanalo ako doon,” bungad niya.
Pero hindi naman daw siya na-frustrate na ‘di niya personal na natanggap ang award.
“Okey lang. Hindi naman ako ganoon ka-ano, hindi ako after ng publicity, so, okey na ako na nanalo ako doon. Even if I wasn’t there, ang gusto ko lang makarating sa PMPC and to all the people who supported me is nagpapasalamat ako sa kanila,” aniya.
Bonus daw talaga sa kanya nu’ng makatanggap siya ng award, “Of course, every actor strives to get that award. Pero sinasabi ko nga before I went into acting without any expectations, without any background, so, hindi ko talaga ine-expect ‘yun, na meron ako nitong trabaho na ‘to, this opportunity to do other things than I’ve been able to do, okey na sa akin.
So, this is a big bonus for me. And syempre, it adds to the prestige of being an actor.” Sa kabila nito, may mga kumukwestyon sa pagkakapanalo niya, “O, ‘yun na nga, may nagsabi na, ah, ‘yun, hindi naman daw ako gumanap ng gay role.
Meron namang sumagot sa kanya na hindi lang naman ang pagganap ng gay role ang magkaroon ng acting award, ‘di ba? ‘Yung iba naman sinabi hindi ako umiyak. Bakit ang iyakan ba ang basis, ‘di ba?”
May nagsabi pa nga na ni hindi man lang din nalulukot ang suot niyang polo sa kanyang daytime TV series na Be Careful With My Heart, “Ha-hahaha! Baka dahil diyan nanalo ako,” sabay tawa niya ulit.
Tinatawanan na lang ni Richard ang mga batikos sa kanya, “Oo,’yun na nga kasi you cannot please everybody kasi kanya-kanya ‘yan, e. May gusto siya na iba ang manalo, so, ikaw ang sisirain niya.”
Nangatwiran naman si Richard sa comment ng iba na na-typecast na siya sa ganyang role pati ang acting niya nakakahon na, “Kasi ganoon ‘yung role ko, e. I cannot act out of the character.
Paano naman ako, gusto niya maging action star ako bigla? O, paano biglang dramatic actor, iiyak ako nang iiyak?
Hindi naman ganoon ang character ko, e. I’m just being in character.
So, if they cannot accept it, they can watch another show,” diin niya. After ng Be Careful open naman daw siya sa mas challenging na roles, “Of course, kung ano ang ibibigay sa akin ng ABS.
Kung if it’s a good project, gagawin naman natin. And if it needs something else that I need to learn I’m always willing, I’m always open.
Like noong nag-workshop ako with Direk Laurice (Guillen) before, she told me that ‘yun nga, she was telling me that ah, ‘You’re underacting is fine.’
Ayaw niya nu’ng mga nago-overact. So, she told me, just keep on doing what you’re doing, you should be fine.” Kung siya ang masusunod, gusto niya ang role na mala-James Bond, konting aksyon.
Type rin niya ang mala-Richard Gere na role sa “Pretty Woman.” Idineklara na rin ni Richard that there will be no Be Careful movie na aabangan ang kanilang fans.
Hindi na raw talaga nila ito magagawa dahil tuluy-tuloy pa rin ang ere sa TV ng programa nila. “Baka hanggang next year pa ang show, kasi it depends, e.
Depene kung what the audience wants, what the viewers wants. E, baka ayaw din naman nila na matapos muna. Kaya, it’s official, wala ng movie.
Hindi kasi talaga namin kayang pagsabayin ang paggawa ng movie with our taping schedule,” pahayag ni Richard.
( Photo credit to Google )