Arnold pinagmumulta ng P20,000, inutusang mag-sorry kay Atty. Villamor

KINASTIGO ng MTRCB ang news anchor-TV host ng GMA 7 na si Arnold Clavio dahil sa naging takbo ng interview nito kay Atty. Alfredo Villamor nitong nakaraang buwan sa Unang Hirit.

Si Villamor ay legal counsel ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Napoles.Dahil sa hindi kagandahang asal na ipinakita ni Arnold sa kanilang programa noong Nov. 5 ng umaga habang iniinterbyu si Atty. Villamor tungkol sa kaso ni Napoles, pinagmumulta ng MTRCB si Clavio ng P20,000.

Bukod dito, binigyan din ng MTRCB si Arnold, ang Unang Hirit at ang staff nito ng “grave and serious admonition.” Ayon sa MTRCB, “…remember and take to heart, that under the Code of Professional Responsibility, a lawyer is prohibited from making public statements in the media regarding a pending case tending to arouse public opinion for or against a party, and directly or indirectly, to encroach upon the professional employment of another lawyer.”

Kung matatandaan, umani ng batikos ang diumano’y pambabastos ni Arnold sa abogado ni Napoles lalo na sa nga social media, ayon sa mga netizens lumampas daw ang news anchor sa asal at limitasyon ng isang broadcast journalist.

Dito nga nag-ugat ang pamosong linya ni Arnold na “nakakasira ka ng araw” dahil tila napikon na ito sa mga walang kuwentang sagot ng abogado.

Kasunod nito, nag-issue ng statement si Arnold Clavio at humingi ng sorry sa nagawa niya, pero hindi siya diretsong nag-apologize sa abogado ni Napoles.

Ngunit kontra sa inaasahan ng marami, hindi tuwirang humingi ang GMA TV host ng paumanhin sa abugado. Kaya sa rekomendasyon hg MTRCB sa kaso ni Arnold, inutos ng ahensiya na idagdag ng morning show sa bandang dulo ng kanilang public statement ang tuwirang paghingi ng dispensa kay Atty. Villamor.

“The program likewise offers its apologies to Atty. Alfredo Villamor in particular, the public in general, and especially to all the members of the legal profession who may have been offended by the words and actions of Mr. Arnold Clavio,” sabi ng MTRCB.

Bukod sa mga nabanggit na parusa kay Arnold at sa Unang Hirit, sasailalim din sa isang buwang “close collaboration” ang programa sa MTRCB, ito’y  upang matutukang mabuti kung maayos bang naipapatupad ng Unang Hirit ang kanilang self-regulatory measures para mapanatili ang pagiging child-sensitive at youth-friendly ng programming nito.

Dagdag pa, hinahayaan na ng MTRCB ang GMA kung anong ibibigay na “internal sanction” ng network kay Igan.

( Photo credit to Google )

Read more...