Parusahan, patawan ng 1 linggong suspensiyon si Anne

HANGGANG ngayon ay napakarami pa ring nagtatanong sa amin kung kumusta na ang taklesa ring si Anne Curtis after masuong  sa malaking gusot.

Siyempre, wala kaming maisagot na update dahil wala namang development talaga sa kinasangkutan niyang iskandalo dahil walang puwedeng magsalita amongst her colleagues sa ABS-CBN.

“Kung ibang artists iyon ay meron na kaagad parusang kaakibat iyon. Dapat ay sina-sanction nila ang ganitong klase ng mga artists dahil hindi maganda ang kaniyang inasal , she served as a bad example sa mga kabataan.

“Kahit one week na suspension from her shows man lang sana pero wala. Pero kung maliit na artista halimbawa ang may gawa noon, malamang na pinagbakasyon na ng istasyon or mother studio niyang Viva or if not baka tinanggal na kaagad.

Bakit ganyan kayo? Masyado kayong unfair at biased?” ang natanggap kong talak sa isang kaibigan. Aba’y teka lang. Hindi naman ako ang manager ni Anne Curtis, sinabi mo na namang Viva, di ba? Bakit ako ang tinatalakan mo? Ha-hahaha!

“Tsaka pakisabihan ang mga kasamahan niya sa Showtime na tigilan na ang kapu-promote sa pagkatao ni Anne Curtis. Iyang sina Kim Atienza, Vice Ganda at kung sinu-sino pa – tigilan na nila kamo ang papuri nila kay Anne na kesyo mabait ito – matulungin – dumadalaw sa mga pasyente sa mga hospitals at tumutulog – bulls***t  kamo!

Hindi naman iyan ang isyu sa kaniya – ang isyu ay nagwala siya sa bar at nanampal ng mga tao at kung anu-ano ang mga lumabas sa bibig niya dala ng kalasingan o kabangagan. Iyon ang isyu – dapat sa kaniya kinakastigo at pinaparusahan.

Ang ending niyan, sa kapupuri nila sa pagsalarawan sa other side ni Anne Curtis – ang kabanalan nito – baka ang ending ay maging santa pa iyan.

“Nandoon na tayo, nanghingi na siya ng kapatawaran pero hindi na maaalis sa utak namin that she is such a bad girl pala pag nakainom.

Okay, lahat naman tayo ay merong kasalbahian sa pagkatao natin kaya lang, celebrity siya kaya naging malaking issue iyon. Pero tigilan na ang pag-divert ng attention ng mga friends niya by telling the world that Anne Curtis is a good samaritan – na kesyo generous sa mga mahihirap.

” Tumigil sila kamo. Ang pinakamagandang ipagawa nila kay Anne ay ang pagsalitain on national television kung ano talaga ang ginawa niya nu’ng gabing iyon at doon siya manghingi ng apology sa TV dahil marami siyang nasaktang mga tao.

“Hindi lang naman sina John Lloyd Cruz and other friends nila ang nasaktan – kaming mga tagahanga nina John Lloyd ay na-hurt sobra for him.

Ni hindi man lang nila pinarusahan – bagkus ay parang nilalagay pa nila sa pedestal dahil isa-isa silang nagtatanggol. Kaya minsan nakakatamad na kayong panoorin sa Dos eh, masyado kayong biased,” hindi mapigilang talak sa akin ng kausap ko.

Hindi na ako nag-react at baka kung saan lang mapunta ang usapan namin. Baka masampal ko lang siya at masabihang “I can buy you, your friends and your mouth”! Ha-hahaha!

Suggestion na lang siguro ang maaari nating iparating sa mga namamahala sa karera ni Anne Curtis – tigilan na lang muna ang pagpuri kay Anne sa ngayon kahit alam naman nating totoong mabait naman siya sa likod ng iskandalong ito – halata naman kasing parang kinu-cover up lang natin ang kalokahang ginawa niya.

Quiet na lang muna – tama na ang purihan portion kasi nagagalit na ang madlang people. Next year na lang ninyo siya purihin siguro at baka by then ay nabawasan na ang bigat ng issue. Intiendes?

( Photo credit to Google )

Read more...