I-text kay Madam Sophia

Mula kay Ken ng Iloilo City. October 7, 1990 ang birthday ko. Kailan kaya ako makapagta-trabaho at makakasampa sa barko, BSMT po ang kurso ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong October 7, 1990 sa basta lagi ka lang nagsuot ng kulay na berde, pula, asul at violet, tiyak ang magaganap sa taong 2013 hanggang 2014 sa edad mong 23 pataas makaka-sampa ka na sa barko, makapag-aabroad hanggang sa tuloy-tuloy ng umasenso.

Mula kay Rosalinda ng Bulacan. January 30, 1980 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend, may nanliligaw sa akin, siya na kaya ang makakatuluyan ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong January 30, 1980 sa taong 2013 hanggang 2014 sa edad mong 34 pataas isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra ang magiging boyfriend mo. Ibig sabihin kung isang Libra ang manliligaw mo at puwede din nga pala ang Gemini o kaya’y kapwa mo Aquarius, siya na nga ang mapapangasawa mo.

Mula kay Eliza Otilla ng Malolos City, Bulacan. Compatible po ba kami ng boyfriend ko, April 11, 1989 ang birthday ko at February 25, 1987 naman siya?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 11, 1989 at February 25, 1987 naman ang boyfriend mo, compatible kayo at kayo na nga ang magkakatuluyan.

Read more...