President Aquino stayed hands on during the onslaught of typhoons Pedring and Quiel, but didn’t want to draw attention. What usually happens is that when he shows up in calamity areas, he becomes the focus and not the victims. That’s precisely what the President wants to avoid. —Abigail Valte, Malacañang
NANG dumalaw si Pangulong Aquino sa mga binaha sa Cotabato City, nakiusap siya sa mga Muslim na bigyan siya ng pagkakataon dahil wala pa siyang isang taon sa puwesto para matugunan ang problema nila
Kahapon ay dumalaw na ang Ikalawang Aquino sa mga binaha sa Bulacan, Pampanga at Tarlac, pero ang biyahe ay di para dalawin at alamin ang damdamin at pangangailangan ng mga binaha kundi inspeksyunin ang pinsala ng napakalaki, at napakalalim, na baha sa Central Luzon na dulot ng bagyong Pedring at Quiel.
Kundi para ipabatid na kailangan ng gobyerno ang pakikipagtulungan ng taumbayan sa panahon ng kapinsalaan. Pero, di nilinaw kung anong klaseng pakikipagtulungan ang ibibigay ng taumbayan sa bingit ng dusa’t kamatayan, sa nakamamanhid na gutom at uhaw at sa walang katapusang pangangatog sa lamig. Anong tulong ang maibibigay ng taumbayan na pinagsasakluban na ng langit at lupa sa gitna ng tumataas na baha, sa kadiliman ng gabi.
Sino ngayon ang boss?
Ang malinaw, ang boss na nangingisda’t naninirahan sa dalampasigan ay di nabigyan ng babala. Walang nakitang rubber boats, helicopters, malalaking trak at iba pang gamit-panligtas ang boss habang lubog sa bahang lagpas-tao.
Dahil sa walang humpay na pagtaas ng tubig, pati evacuation center ni boss ay binaha rin. May evacuation center din na isa lang ang magagamit na kubeta para sa 300 boss.
Dahil sa walang humpay na politika’t paghihiganti sa isang pamilya, at sipsipan ng mga lokal na opisyal sa kutis dilaw na mga nasa kapangyarihan, nakalimutan nang hukayin at laliman ang mga ilog, lalo na ang Pampanga River, Tullahan River, Meycauayan River, bunganga ng Manila Bay at daluyan ng tubig sa Hagonoy, Porac, Masantol at Navotas, bunsod para ilubog ng bahay ang bubong ng mga bahay.
Sa pagsikat ng araw pagkatapos ng unos, tumambad ang nakalulunos at kawawang boss.
The hottest places in Hell are reserved for those who in time of great crisis choose to do nothing. —Martin Luther King