11 guro nalason

NAOSPITAL ang 11 guro nang umano’y malason sa pagkaing pinagsaluhan matapos dumalo sa isang aktibidad para sa World Teacher’s Day sa isang mall sa Sta. Rosa, Laguna, kahapon.
Dinala ang mga guro sa Miriam Hospital at Community Hospital matapos dumanas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, pagsusuka, at pagtatae, ayon kay SPO4 Tanny Gangano, desk officer ng Sta. Rosa Police.
Bago aniya ang insidente, dumalo ang mga guro sa aktibidad para sa World Teacher’s Day sa isang kilalang mall mula alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang tunay na sanhi ng mga sintomas na dinanas ng mga guro.- John Roson

Read more...