Mambabatas gustong ‘ILIBRE’ si Pacman sa pagbabayad ng buwis, pinutakti ng batikos


THERE is a move to exempt Manny Pacquiao from paying taxes for free. Nagpanukala ang isang mambabatas nito pero halos walang makuhang simpatya from the public ang move na ito.

Marami ang tutol, marami ang naloka at marami ang talagang ayaw. “Talagang mali. At hindi dahil ginawa yun ng Colombia sa isang dating Miss Universe nila tama na.

At hindi ako makapaniwala na sa dinami-dami ng problema ng bansa, yun pa ang inaatupag nilang gawing panukala. How fuc***n’ stupid!” mataray na comment ng isang ayaw sa move na ilibre na sa pagbabayad ng tax si Pacman for life.

Ang katwiran naman ng isa, “Tayo ngang mga nagpapakakuba sa pagtatrabaho at hindi kayang kumita ng isang milyon sa loob ng kahit apat na taon ay pinapapatawan ng buwis eh, minsan 20 bahagdan pa.

Tapos, siya na kahit sa isang commercial lang na gagawin ay kaya ng makalimang milyon, tapos tayo pa ang manlilibre sa kanya? Isn’t it ironic?”

“Mahirap nga nagbabayad ng buwis, tpos ung mayayaman i-eexempt?” one guy said. Oo nga naman. Minsan isip-isip din sa ipa-file.

Bakit nga ba ganito sa Pilipinas, palaging for the convenience of the rich and famous ang mga bills. Kapag merong nakulong na mayaman, kundi hospital or house arrest ay matagal bago sila sentensiyahan.

Kapag naman nakulong, VIP treatment ang binibigay sa kanila.

( Photo credit to INS )

Read more...